“Scripture Reading Chain,” Kaibigan, Setyembre 2024, 38.
Masasayang Bagay
Scripture Reading Chain
Maaaring makatulong sa atin ang mga banal na kasulatan na makadama ng kapanatagan at pagmamahal mula sa ating Ama sa Langit. Maaari kang gumawa ng chain ng mga talata sa banal na kasulatan na babasahin kapag nag-aalala ka o nalulungkot.
Ang mga hugis na kulay-ube ay may ilang talata sa banal na kasulatan na magagamit mo. Maaari ka ring magdagdag ng sarili mong mga paborito.
Humingi ng tulong sa isang magulang o Primary leader!
-
Gumawa ng listahan ng mga paborito mong talata sa banal na kasulatan.
-
Sa iyong mga banal na kasulatan, hanapin ang unang talata na nasa iyong listahan. Gumamit ng lapis na de-kolor para maingat na ma-highlight ang talata.
-
Sa tabi nito, isulat ang scripture reference (o numero ng pahina, kung mas madali iyon para sa iyo) para sa susunod na talata mula sa listahan. Pagkatapos ay puntahan at i-highlight din ang talatang iyon.
-
Patuloy na i-highlight ang mga talata at isulat ang reperensya para sa susunod na talata. Kapag na-highlight mo na ang huling nasa listahan mo, isulat ang scripture reference para sa unang talatang na-highlight mo.
-
Juan 14:27: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo. Hindi gaya ng ibinibigay ng sanlibutan ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong puso, o matakot man.”
-
Doktrina at mga Tipan 68:6: “Kaya nga, magalak, at huwag matakot, sapagkat ako ang Panginoon ay kasama ninyo, at tatayo sa tabi ninyo.”
-
Mga Kawikaan 3:5: “Sa Panginoon ay buong puso kang magtiwala.”
-
D&T 121:7: “Kapayapaan ay mapasaiyong kaluluwa; ang iyong kasawian at ang iyong mga pagdurusa ay maikling sandali na lamang.”
-
D&T 45:62: “Sapagkat katotohanang sinasabi ko sa iyo, na mahahalagang bagay ang naghihintay sa iyo.”
-
Mga Kawikaan 3:24: “Kapag ikaw ay nakahiga, hindi ka matatakot; kapag ika’y humimlay, magiging mahimbing ang iyong tulog.”