“Hello mula sa Zimbabwe!” Kaibigan, Setyembre 2024, 8–9.
Hello mula sa Zimbabwe!
Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.
Ang Zimbabwe ay nasa Southern Africa. Mahigit 16,500,000 katao ang naninirahan doon.
Mga Wika
Ang Zimbabwe ay may 16 na opisyal na wika. Ang ilan sa mga ito ay Shona, Ndebele, at English—at ilan lamang iyan!
Isang Pagbisita ng Propeta
Noong Abril 2018 bumisita sina Pangulong Nelson at Sister Nelson sa Zimbabwe. Daan-daang bata ang kumanta ng “Ako ay Anak ng Diyos” para sa kanila.
Isang Napakagandang Talon
Ang Victoria Falls sa Zimbabwe ang pinakamalaking talon sa mundo. Maaaring marinig ang ingay nito mula sa mahigit 24 na milyang (40 km) layo!
Kamangha-manghang mga Hayop
Maraming damuhan sa Zimbabwe. Ang ilan sa mga hayop na naninirahan doon ay mga leon, hippotamus, giraffe, antelope, at elepante.