“Ano ang Nasa Isip Mo?” Kaibigan, Setyembre 2024, 39.
Ano ang Nasa Isip Mo?
Ayaw kong sumubok ng mga bagong bagay dahil lagi akong nagkakamali. Ano ang dapat kong gawin?
—Perfect sa Panama City
Mahal na Perfect,
Iniisip mo siguro na kung hindi mo gagawin nang perpekto ang mga bagay-bagay, ikaw ay bigo. Pero hindi totoo iyan! Sa katunayan, matutulungan ka ng mga pagkakamali na matuto at maging mas mahusay.
Tinutulungan tayo ng Ama sa Langit na matuto nang paunti-unti (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 98:12). Sa halip na magtuon sa pagiging perpekto, sikaping magtuon sa paglago at unti-unting maging higit na katulad Niya. Hanapin ang mga bagay na nagagawa mo nang maayos. Sikaping gawing positibo ang mga negatibong ideya tungkol sa iyong sarili. Ang pinakamahalaga, kapag nakagawa ka ng isang pagkakamali—o kahit 20 pagkakamali—huminga nang malalim, magdasal, at magpatuloy!
Nagmamahal,
Ang Kaibigan
Gawing Sining ang mga Scribble na Ito!
May isang taong nagsimulang idrowing ang mga ito pero tumigil nang maisip niya na hindi sapat ang husay niya. Gamitin ang iyong pagkamalikhain para tapusin ang bawat drowing. Tingnan natin kung ano ang maaaring mangyari kapag nagpatuloy tayo!