Kaibigan
Isang Pakikipag-chat kay Teancum Tungkol sa mga Banal na Kasulatan
Setyembre 2024


“Isang Pakikipag-chat kay Teancum Tungkol sa mga Banal na Kasulatan,” Kaibigan, Setyembre 2024, 40–41.

Isang Pakikipag-chat kay Teancum Tungkol sa mga Banal na Kasulatan

Si Teancum ay mula sa Fiji. Tinanong namin siya kung paano siya natututo mula sa Aklat ni Mormon.

Magkuwento ka sa amin tungkol sa iyong sarili.

Teancum

Ako ay siyam na taong gulang at bunso sa anim na anak. Ang paborito kong kulay ay pula, at ang paborito kong pagkain ay chicken curry at kanin. Mahilig akong maglaro ng rugby! Ang isang bagay na kakaiba sa akin ay ang pangalan ko. Ang unang pangalan ko ay mula sa isang mandirigma sa Aklat ni Mormon, ang pangalawang pangalan ko ay mula sa tito ko sa Nigeria, at ang apelyido ko ay Fijian.

batang naglalaro ng rugby
chicken curry at kanin

Ano ang tumutulong sa iyo na matuto mula sa mga banal na kasulatan?

Pamilyang nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Gustung-gusto kong nagbabasa ng mga banal na kasulatan kasama ang pamilya ko. Sama-sama kaming nag-aaral ng mga lesson mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Gusto kong matuto ng mga bagong kuwento bawat linggo. Pinag-uusapan namin ang natututuhan namin at ibinabahagi namin ang aming patotoo sa isa’t isa. Kapag nagbabasa ako ng mga banal na kasulatan, gusto ko ring isipin na kasama ako sa mga kuwento.

Paano nakakatulong sa iyo ang mga banal na kasulatan?

Batang lalaking nagdarasal

Ipinapaalala sa akin ng mga banal na kasulatan na maging matapang at malakas-ang-loob at humingi ng kapanatagan sa panalangin. Tuwing natatakot o nalulungkot ako, alam ko na palagi akong papanatagin ng Espiritu Santo.

Ano ang paborito mong kuwento sa Aklat ni Mormon?

Si Teancum sa mga banal na kasulatan

Ang paborito kong kuwento mula sa Aklat ni Mormon ay iyong tungkol kay Teancum dahil isa siyang mahusay na lider at mandirigma. Nakipaglaban siya para sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at sa Simbahan. Alam ko na maaari din akong maging katulad niya at lagi kong ipagtatanggol ang pinakamamahal ko.

Anong payo ang maibibigay mo sa isang taong nahihirapang unawain ang mga banal na kasulatan?

Kung nahihirapan ang isang tao na matuto mula sa mga banal na kasulatan, maaari siyang magpatulong sa kanyang nanay o tatay o kahit sa kanyang mga kapatid. Talagang tinutulungan ako ng pamilya ko. Maaari ka ring magtanong sa isang Primary teacher o leader sa simbahan!

PDF

Mga larawang-guhit ni Augusto Zambonato