“Ipinagdasal ni Nephi ang mga Tao,” Kaibigan, Setyembre 2024, 26–27.
Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ipinagdasal ni Nephi ang mga Tao
Si Nephi ay isang propeta noon. Isinunod ang pangalan niya kay Nephi na kumuha ng mga laminang tanso. Nag-alala siya tungkol sa mga tao. Tumigil na sila sa pagsunod sa Diyos.
Nagpunta si Nephi sa kanyang halamanan. Umakyat siya sa isang tore sa halamanan at nagdasal sa Diyos doon. Ipinagdasal niya ang mga tao.
Napansin ng ilang tao si Nephi na nasa tore. Tumigil sila para makinig at tinipon ang iba pa para makinig. Nang makatapos si Nephi sa pagdarasal, napansin niya na nakamasid sila at sinimulan niya silang turuan.
Sinabihan ni Nephi ang mga tao na magsisi. Ayaw ng ilan sa kanila ang itinuro ni Nephi. Pero marami pang iba na nakinig! Pinili nilang magsisi at binago ang kanilang pag-uugali.