“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2023.
Kumonekta
Aura K.
16, Nairobi, Kenya
Mahilig akong mag-bake. Gustung-gusto ko ang mga ngiti na nagmumula sa pagbe-bake. Gusto ng lahat ang masarap na mga pagkain. Minsan ay iniwan ng nanay ko ang lahat ng sangkap para sa banana bread sa kusina, pero wala siyang balak na lutuin iyon.
Nagpasiya akong lutuin ang banana bread para sa kanya. Hindi nagtagal nalaman ko na hindi para sa kanya ang banana bread. Sa halip, inihahanda niya ito para ibigay sa kanyang mga estudyante. Napakasaya ng nanay ko na tinulungan ko siya sa gayong paraan.
Ang gawaing misyonero ay isang bagay na nasisiyahan akong gawin! Ang ilan sa mga aktibidad ng Simbahan na nasiyahan akong gawin ay ang pagbibigay sa mga tao ng mga kopya ng mga banal na kasulatan at pagkanta ng mga himno sa kanila.
Sa isa pang pagkakataon nahuli ako ng kaibigan ko na nagbabasa ng magasing Liahona at tinanong niya ako tungkol sa Simbahan. Ipinaliwanag ko sa kanya ang tungkol sa pagsisisi at Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Talagang interesado siya, at binigyan ko siya ng kopya ng Liahona.
Gustung-gusto kong ipinapalaganap ang ebanghelyo sa iba upang magkaroon sila ng pagkakataong malaman pa ang tungkol sa Ama sa Langit.