“Masayang Bahagi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2023.
Masayang Bahagi
Maze ng Mabuting Balita
Si Cristo ay nagbangon, at ngayon kayo naman ang magbabahagi ng mabuting balita sa maraming tao hangga’t maaari. Daanan ang bawat tao sa mga lansangan ng Jerusalem sa paglabas mo ng lungsod nang hindi binabalikan ang dinaanan.
Hanapin ang Pagkakaiba
Alin sa mga tupang ito ang hindi katulad ng iba?
Taglamig o Tag-init na mga Snowflake
Sa ilalim ng pamamahala ng Ama sa Langit, nilikha ni Jesucristo ang mundo at ang lahat ng bagay na narito—kabilang na ang snow o niyebe. Sa ilang lugar sa mundo, tulad ng mga bahagi ng South Africa, Argentina, Australia, at Chile, ang ibig sabihin ng Hulyo ay snow o niyebe. At kahit mainit at maaliwalas kung saan ka nakatira, maaari ka pa ring gumawa ng snowflake!
-
Magsimula sa isang square o parisukat na papel.
-
Itupi sa kalahati ang parisukat para makabuo ng triangle o tatsulok, at pagkatapos ay muling itupi sa gitna.
-
Itupi sa tatlong bahagi ang triangle o tatsulok.
-
Gupitin ang mga matutulis na gilid sa itaas.
-
Panatilihing nakatupi ang papel, gupitin ang disenyong gusto mo.
-
Buklatin ang papel para makita ang iyong snowflake!
Maaari kang gumawa ng sarili mong disenyo o piliing sundin ang isa sa mga pattern na ito!
Komiks
Mga Sagot
Maze ng Mabuting Balita:Tingnan sa ibaba. Hindi lamang ito ang tamang solusyon para sa maze na ito. Kung nadaanan mo ang bawat tao at nagawa ito hanggang sa huli nang hindi binabalikan ang dinaanan mo, nagawa mo ito nang tama!
Hanapin ang Pagkakaiba: Ang pangatlong tupa mula sa ibaba ay naiiba sa iba pa. Kulot ang balahibo nito at asul ang collar, pero ang iba pang mga tupa na kulot ang balahibo ay may pulang collar. Ang mga tupa na may tuwid na balahibo ay may asul na mga collar.