“Ang Panahon ng Pagsasauli,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2023.
Taludtod sa Taludtod
Ang mga Panahon ng Pagsasauli
Alamin ang sinabi ni Apostol Pedro sa mga tao tungkol sa Pagpapanumbalik.
mga panahon ng kaginhawahan
Ang “mga panahon ng kaginhawahan” na binanggit ni Pedro ay ang muling pagparito ni Jesucristo. Pagkatapos ng Ikalawang Pagparito, “ang mundo ay babaguhin at tatanggapin nito ang malaparaisong kaluwalhatian” (Mga Saligan ng Pananampalataya 1:10).
mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng bagay
Ang “mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng bagay” ay tumutukoy sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo. Kabilang sa panahong iyon ang mga huling araw (ang ating panahon!) at ang muling pagparito ni Jesucristo.
Ang ibig sabihin ng pagpapanumbalik ay ibalik muli o isauli. Ang Pagpapanumbalik ng ebanghelyo ay nagsimula noong tagsibol ng 1820, nang magpakita ang Ama sa Langit at si Jesucristo sa Propetang Joseph Smith. Noon nagsimulang bumalik sa lupa ang maraming bagay, kabilang na ang mga dalisay na katotohanan, awtoridad ng priesthood, at Simbahan ni Jesucristo.
lahat ng kanyang mga banal na propeta mula pa sa simula ng daigdig
Simula noong unang panahon, ipinropesiya na ng mga propeta na ang Anak ng Diyos, si Jesucristo, ay paparito sa lupa at magiging ating Tagapagligtas. Sinabi rin nila na darating si Jesucristo sa ikalawang pagkakataon.
At sinabi rin ng mga propeta na bago pumaritong muli ang Tagapagligtas, ipanunumbalik Niya ang Kanyang ebanghelyo at ang Kanyang Simbahan sa lupa. Ang Pagpapanumbalik na ipinropesiya ng mga propeta ay nangyayari sa ating panahon.