“Paano ako magiging halimbawa sa mga miyembro ng aking pamilya na nahihirapang ipamuhay ang mga turo ni Jesucristo?” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2023.
Mga Tanong at mga Sagot
“Paano ako magiging halimbawa sa mga miyembro ng aking pamilya na nahihirapang ipamuhay ang mga turo ni Jesucristo?”
Ipakita, Maglingkod, at Magbahagi
“Ipakita sa inyong pamilya kung paano ka pinapasaya ng pamumuhay ng ebanghelyo. Maaari mo silang paglingkuran at ibahagi ang iyong mga karanasan sa kanila. Maaari mo ring anyayahan ang mga missionary na magdaos ng home evening sa inyong tahanan.”
Luciana M., 18, Mendoza, Argentina
Hangaring Makaunawa
“Ang ilan sa mga miyembro ng aking pamilya ay nakagawa ng ilang bagay na hindi naaayon sa mga pamantayan ng Diyos. Sikaping unawain ang dahilan kung bakit ginagawa nila ang mga bagay na iyon. Hindi ibig sabihin nito na kailangan mong gawin ang ginagawa nila. Ang mas mahalaga, mahalin sila anuman ang kanilang ginagawa o sinasabi.”
Melody E., 13, Texas, USA
Tularan ang Tagapagligtas
“Palagi kong sinisikap na maging halimbawa para sa aking pamilya sa pamamagitan ng pagsasalita ng tungkol sa mga turo ng Simbahan. Palagi kong sinisikap na mabanaag sa aking sarili si Cristo. Alam ko na kung susundin ko Siya, magiging mabuting halimbawa ako sa aking pamilya at makatutulong ako na madala ang liwanag ni Cristo sa kanilang buhay.”
Adalia C., edad 19, Rio Grande do Sul, Brazil
Magpatugtog ng Nakasisiglang Musika
“Pinaliligiran ko ang sarili ko ng magandang media na naghahatid ng Espiritu sa aking tahanan. Ang pagtugtog ng himno sa piyano ay tumutulong sa akin na makadama ng kagalakan kahit nahihirapan ang mga miyembro ng aking pamilya. Patuloy na magtiwala sa Tagapagligtas para sa kagalakan at kapayapaan, kahit na ang iba sa paligid mo ay hindi ganito ang ginagawa.”
Lauren B., 14, Maryland, USA
Mahalin Sila
“Hindi mo mababago ang mga pagpili ng mga miyembro ng iyong pamilya tulad din ng hindi nila kayang baguhin ang iyong buhay, pero maaari mo silang mahalin sa tuwina. Nagpakita si Cristo ng labis na pagmamahal sa mga tao na hindi sang-ayon o ayaw sa Kanya. Lahat ay anak ng Diyos, at sa pamamagitan ng iyong pagmamahal, madarama nila ang pagmamahal ng Ama sa Langit.”
Brooklyn D., 17, Utah, USA
Hangaring Makita ang Nakikita ni Cristo
“Ang pagkakaroon ng pagmamahal na tulad ng kay Cristo at pagsisikap na makita sila at hindi lamang ang kanilang mga kahinaan ay makatutulong sa atin na maunawaan ang pinagdaraanan nila. Lubos na nauunawaan ni Jesucristo ang bawat isa sa atin. At maaari nating simulang tingnan at tulungan ang iba tulad ng ginagawa Niya kung hihilingin natin sa Kanya na gabayan tayo.”
John K., 17, Indiana, USA
Huwag Manghusga
“Natututuhan kong mahalin sila, maging mabait sa kanila, at hindi sila hatulan.”
Logan C., 18, Utah, USA