2023
Pagdarasal na Tulungan Kapag Mayroong mga Bully
Hulyo 2023


“Pagdarasal na Tulungan Kapag Mayroong mga Bully,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2023.

Mga Saligang Kaytibay

Pagdarasal na Tulungan Kapag Mayroong mga Bully

Larawan
mga kabataan sa eskuwelahan

Paglalarawan ni Jessica Parker

Kung minsan hinahatulan tayo ng mga tao sa pagiging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw at sa pagiging kakaiba. Noong nakaraang taon maraming tao ang nam-bully sa akin sa paaralan. Pero nadama ko ang tulong ng Diyos nang tinulungan ako ng iba na ipagtanggol ang sarili ko laban sa mga bully o nang-aapi. Para iyong kalasag ng proteksyon mula sa Diyos.

Ipinagdasal ko na mapatawad ko ang mga taong nam-bully o nang-api sa akin. Pinatawad ko na sila sa aking puso, at ngayon ay nginingitian ko sila at binabati ko kapag nakikita ko sila.

Gusto kong tulungan ang iba, tulad ng mga soccer teammate ko, na huwag husgahan ang mga tao. Gusto kong makita ng iba ang kabuuan ng kung sino ako at kung sino ang ibang tao.

Matthew H., Arizona, USA

Print