“4 na Paraan para Masuportahan ang mga Kaibigan sa Part-Member na mga Pamilya,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2023.
Tulong sa Buhay
4 na Paraan para Masuportahan ang mga Kaibigan sa Part-Member na mga Pamilya
Matutulungan mo ang lahat na madama na minamahal at pinangangalagaan sila sa simbahan anuman ang kanilang sitwasyon.
Mayroong iba’t ibang uri ng pamilya. Ang mga taong nakikita mo sa simbahan, halimbawa, ay maaaring may mga kapamilya na hindi miyembro ng Simbahan o piniling lumayo sa Simbahan. Kung walang suporta ng pamilya, maaaring mahirap para sa mga tao na makibahagi sa simbahan, o madama na kabilang sila.
Iyon ang gagawin natin!
Maaari kang gumanap ng mahalagang papel sa pagpapala sa lahat ng uri ng pamilya, sa lahat ng uri ng sitwasyon. Narito ang ilang paraan na maaari kang makatulong:
Mga larawang-guhit ni Oksana Grivina
Manalangin na Makahanap ng mga Paraan para Makatulong
Ipagdasal na malaman kung paano mo matutulungan kapwa ang mga nagsisimba at ang kanilang pamilya. Maging handang kumilos ayon sa mga sagot na natatanggap mo.
Kilalanin ang Pamilya
Kung maaari, sikaping makilala ang buong pamilya ng kaibigan mo. Makatutulong ito sa iyo na malaman kung ano ang suportang mayroon ang kaibigan mo sa tahanan at kung ano ang dahilan kung bakit kumplikado para sa kanila ang partisipasyon sa simbahan. Kapag mas nakilala mo ang pamilya, maaari kang mabigyang-inspirasyon na tumulong sa partikular na mga paraan na kailangan.
Tiyaking Patuloy na Ipamuhay ang Ebanghelyo
Maraming tao ang nagiging interesado sa Simbahan kapag nakikita nilang ipinamumuhay ng mga miyembro ang kanilang pinaniniwalaan. Hindi mo alam kung sino ang nagmamasid sa iyo. Makagagawa ka ng maraming kabutihan sa pamamagitan lamang ng pamumuhay ng ebanghelyo. Ang paggawa nito ay magpapala sa iyong buhay at makatutulong na madala ang liwanag ng ebanghelyo sa mga nasa paligid mo.
Basta Maging Mabait Lang
Huwag maliitin kung paano makagagawa ng malaking kaibhan ang simpleng kabaitan. Halimbawa:
Kung nakita mo ang isang tao na nakaupong mag-isa sa simbahan, umupo sa tabi nila o alukin silang maupo kasama ng inyong pamilya.
Kung hindi sila makakapunta sa simbahan o sa iba pang mga aktibidad nang mag-isa, mag-alok na sunduin o daanan sila o anyayahan silang sumama sa inyong pamilya.
Mahalaga ring isama ang iyong mga kaibigan sa mga aktibidad. Ang isang paanyaya sa aktibidad ng ward o pamilya ay maaaring tila maliit, pero makakatulong ito sa kaibigan mo na piliing manatiling malapit sa Tagapagligtas at sa Kanyang Simbahan kung sa palagay nila ay kabilang sila.