2023
Paano kung may magsasabi sa akin na pinapabulaanan ng siyensya ang isang bagay na pinaniniwalaan natin?
Hulyo 2023


“Paano kung may magsasabi sa akin na pinapabulaanan ng siyensya ang isang bagay na pinaniniwalaan natin?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2023.

Tuwirang Sagot

Paano kung may magsasabi sa akin na pinapabulaanan ng siyensya ang isang bagay na pinaniniwalaan natin?

mga instrumento sa siyensya

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson: “Ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng katotohanan. Tinatanggap ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang lahat ng katotohanang ipinararating ng Diyos sa Kanyang mga anak, natutuhan man ito sa isang laboratoryo ng siyensya o natanggap sa pamamagitan ng tuwirang paghahayag mula sa Kanya” (“Ano ang Totoo?” pangkalahatang kumperensya ng Okt. 2022 [Liahona, Nob. 2022, 30]).

Kung sasabihin ng mga tao na kinokontra ng siyensya ang isang katotohanan ng ebanghelyo, narito ang mga bagay na dapat isaisip:

Dapat mong alamin ang katotohanan. Alamin kung ano talaga ang sinasabi ng siyensya (at hindi sinasabi), pati na rin kung ano ang sinasabi ng ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo (at hindi sinasabi nito). Unahin ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta.

Ang espirituwal na kaalaman ay tunay. Ang siyensya ay isang paraan para malaman ang mga katotohanan tungkol sa pisikal na mundo. Pero ilang katotohanan na ibinibigay lamang sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng paghahayag. Maaari kang manampalataya na ang Espiritu Santo ay “nagsasabi ng mga bagay kung ano talaga ang mga ito” (Jacob 4:13).

Ang pananampalataya ay nangangailangan ng tiyaga. Ang kaalaman ng siyensya ay nababago sa paglipas ng panahon. Kung minsan kailangan lang nating hintayin ang siyensya na makahabol sa inihayag na walang-hanggang katotohanan. Maaari nating panghawakan ang mas malalaking espirituwal na katotohanan habang napupuno ang mga detalye.