2023
Paghahanap ng Tahanan, Pagmamahal, at Pagiging Kabilang
Hulyo 2023


“Paghahanap ng Tahanan, Pagmamahal, at Pagiging Kabilang,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2023.

Mga Saligang Kaytibay

Paghahanap ng Tahanan, Pagmamahal, at Pagiging Kabilang

pamilya na papunta sa simbahan

Paglalarawan ni Jessica Parker

Anim na taong gulang ako nang kinailangan kong iwanan ang tunay kong pamilya. Napakalungkot at nakakatakot. Ilang buwan matapos mangyari ito, una kong narinig ang tungkol kay Jesucristo.

Sinimulan kong bisitahin ang isang pamilya na siyang kumupkop sa akin. Marami silang anak na mabait sa akin at mahal nila ang Tagapagligtas. Hinayaan ako ng bago kong pamilya na sumama sa kanila sa pagsisimba, at nadama kong ligtas at masaya ako roon.

Ilang taon ang inabot ng pagsisimba at pagbabasa ng mga banal na kasulatan bago ko naunawaan kung ano ang ebanghelyo, at gusto ko nang magpabinyag. Ako ay 12 taong gulang nang sa wakas ay inampon ako ng aking foster family, at pinayagan akong magpabinyag kung gusto ko!

Sa binyag ko, nagpatotoo ako at damang-dama ko ang pagmamahal ng Diyos na nakapalibot sa akin.

Ang pagbabasa ng Aklat ni Mormon at pag-aaral tungkol kay Jesus ay nakatulong sa akin na malaman na hindi ako nag-iisa at ako ay anak ng Diyos. Kahit hindi ayon sa gusto kong mangyari ang mga bagay-bagay, lagi Siyang nariyan para sa akin.

Violet B., Hawaii, USA