“Ang Alibughang Anak,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Hulyo 2023.
Ang mga Talinghaga ng Tagapagligtas
Ang Alibughang Anak
Hiningi ng isang suwail na anak ang kanyang mana at umalis ng tahanan.
Sinayang o nilustay niya ang lahat ng ibinigay sa kanya ng kanyang ama sa kasiyahan.
Nagkaroon ng taggutom, kaya nagtrabaho siya bilang tagapagpakain ng mga baboy.
Isang araw natanto niya na maaari siyang umuwi at humingi ng tulong.
Pag-uwi niya, hiniling niyang maging alipin sa kanyang pamilya, dahil hindi siya naniniwala na dapat pa siyang ituring na anak ng kanyang ama.
Pero pinatawad ng ama ang alibugha at tinanggap siya bilang kanyang anak, at ipinagdiwang ng sambahayan ang pagbabalik ng anak.
Ano ang Ibig Sabihin Nito
Ang alibughang anak ay kumakatawan sa atin kapag nagrerebelde tayo sa ating Ama sa Langit. Pero saanman tayo nanggaling o anuman ang nagawa natin, nais ng Ama sa Langit na makabalik tayo sa Kanya at sa ebanghelyo ni Jesucristo.
Hindi natin kailangang maging perpekto. Pero kailangan tayong malungkot sa ating ginawa at magpakumbaba, lumapit kay Cristo, at magsisi. Daramitan tayo ng Diyos sa kaluwalhatian at ipapakita sa atin ang ating tunay na kahalagahan.