2023
Isipin ang Kahariang Selestiyal!
Nobyembre 2023


Sesyon sa Linggo ng Hapon

Isipin ang Kahariang Selestiyal!

Mga Sipi

templo

I-download ang PDF

Nalaman ko na ang plano ng Ama sa Langit para sa atin ay kamangha-mangha, na ang ginagawa natin sa buhay na ito ay sadyang mahalaga, at na ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ang naging dahilan para maging posible ang plano ng ating Ama. …

… Ngayon, upang tulungan kayong maging karapat-dapat sa saganang mga pagpapala ng Ama sa Langit para sa inyo, inaanyayahan ko kayong sanayin ang “pag-iisip nang selestiyal”! …

Kaya, mahal kong mga kapatid, paano at saan at sino ang gusto ninyong makasama sa buhay magpakailanman? Kayo ang pipili o magpapasiya.

Kapag gumagawa kayo ng pagpapasiya, hinihikayat ko kayong tanawin ang hinaharap—isang walang-hanggang pananaw. Unahin si Jesucristo, dahil ang inyong buhay na walang hanggan ay nakasalalay sa inyong pananampalataya sa Kanya at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Nakasalalay din ito sa inyong pagsunod sa Kanyang mga batas. …

Habang nagtutuon kayo sa pag-iisip nang selestiyal, asahang makararanas kayo ng oposisyon. …

Sa pag-iisip ninyo nang selestiyal, unti-unting nagbabago ang inyong puso. Nanaisin ninyong manalangin nang mas madalas at mas taos-puso. …

Kapag selestiyal ang pag-iisip ninyo, nanaisin ninyong iwasan ang anumang bagay na humahadlang sa inyong kalayaang pumili. …

Ang pag-iisip nang selestiyal ay makatutulong din sa inyo na sundin ang batas ng kalinisang-puri. …

Habang nag-iisip kayo nang selestiyal, makikita ninyo ang mga pagsubok at oposisyon nang may bagong pananaw. …

Habang nag-iisip kayo nang selestiyal, madaragdagan ang inyong pananampalataya. …

Ang pagbabayad ng ikapu ay nangangailangan ng pananampalataya, at nagpapatatag din ito ng pananampalataya sa Diyos at sa Kanyang Pinakamamahal na Anak.

Ang pagpiling mamuhay nang matwid sa kabila ng kamunduhan at mapulitikong kapaligiran ay nagpapatatag ng pananampalataya.

Ang pag-uukol ng mas maraming oras sa templo ay nagpapatatag ng pananampalataya.