2023
Ang Ating Kasama sa Tuwina
Nobyembre 2023


Ang Ating Kasama sa Tuwina

Mga Sipi

Larawan
Jesucristo

I-download ang PDF

Ang Nag-iisa, ni Malory Fiso

Kailangan natin, at kakailanganin ninyo, ang palagiang patnubay ng Espiritu Santo. Ngayon, hinahangad natin ito, pero alam natin mula sa karanasan na hindi madaling matamo ito. Bawat isa sa atin ay nakakaisip at nakakapagsalita at nakakagawa ng mga bagay sa ating buhay araw-araw na nagpapalayo sa Espiritu.

Kapag nangyayari iyan, at mangyayari iyan, maaaring madama natin na hindi nalulugod sa atin ang Panginoon. At maaari tayong matuksong isipin na nag-iisa tayo. …

Kung nahihirapan kayong madama ang Espiritu Santo, makabubuting pag-isipan ninyo kung may anumang bagay na maaari ninyong pagsisihan at makatanggap ng kapatawaran dito. Makapagdarasal kayo nang may pananampalataya para malaman ang dapat gawin upang maging malinis at sa gayon ay maging mas karapat-dapat na makasama sa tuwina ang Espiritu Santo.

Kung nais ninyong makasama ang Espiritu Santo, kailangang hangarin ninyo ito para sa tamang mga kadahilanan. Ang mga layunin ng Panginoon ang dapat na maging mga layunin ninyo. Kung masyadong makasarili ang mga layunin ninyo, mahihirapan kayong matanggap at madama ang mga pahiwatig ng Espiritu.

Ang mahalaga para sa akin at sa inyo ay naisin ang ninanais ng Tagapagligtas. Ang dapat na dahilan sa mga layunin natin ay ang dalisay na pag-ibig ni Cristo. …

… Ang Espiritu Santo ay isinusugo sa matatapat at nakipagtipang mga miyembro ng Simbahan ni Jesucristo. Ngayon, magiging natatangi ang inyong mga karanasan, at gagabayan kayo ng Espiritu sa paraang angkop sa inyong pananampalataya at kakayahan na tumanggap ng paghahayag para sa inyo at para sa mga taong mahal ninyo at pinaglilingkuran. Taos-puso kong idinadalangin na mas tumibay ang inyong pagtitiwala.

Print