Anong Laki ng Inyong Kagalakan
Mga Sipi
Ngayon, nangungusap ako sa mga dalubhasang nakatatanda sa Simbahan na maaaring maglingkod bilang mga missionary. Kailangan kayo ng Panginoon. …
Sa pagbisita ko sa mga mission sa buong mundo, nakita ko ang kamangha-manghang paglilingkod ng ating hukbo ng mga senior missionary. Malinaw na sila ay masaya sa paggawa ng “kalooban ng Panginoon” at sa pagging abala sa “gawain ng Panginoon” [Doktrina at mga Tipan 64:29]. …
Marami nang mag-asawa ang natawag ko na maglingkod at nakita ko kung paano napuno ng Liwanag ni Cristo ang kanilang mga mukha. Pag-uwi nila, sinasabi nila na mas napalapit sila sa Panginoon at sa isa’t isa, nadama nila na napasakanila ang Espiritu ng Panginoon, at nalaman nila na may nagawa silang kaibhan. Sino ba ang ayaw niyan? …
Bilang Apostol ng Panginoong Jesucristo, inaanyayahan ko kayong maglingkod bilang missionary sa pagtitipon ng Israel at marahil ay maglingkod muli. …
Ipinapangako ko rin na kapag kayo ay naglilingkod, madarama ninyo ang pagmamahal ng Panginoon sa inyong buhay, makikilala ninyo Siya, makikila Niya kayo, at “anong laki ng inyong kagalakan” [Doktrina at mga Tipan 18:15]. Ang inyong matapat na paglilingkod kay Jesucristo ay maghihikayat at magpapala sa inyong pamilya, mga apo, at mga apo sa tuhod. Ang “kapayapaan at pag-ibig ay pa[sa]saganain” [Judas 1:2] sa kanilang mga buhay sa mga taon na darating.