2023
Ang Kapangyarihang Magbuklod
Nobyembre 2023


Ang Kapangyarihang Magbuklod

Mga Sipi

Larawan
data-poster

I-download ang PDF

Maaaring iniisip natin na ang kapangyarihang magbuklod ay may kaugnayan lamang sa ilang partikular na ordenansa sa templo, ngunit ang awtoridad na iyon ay kailangan upang magkaroon ng bisa ang anumang ordenansa nang lampas pa sa kamatayan. …

Ang bisang ibinibigay ng kapangyarihang magbuklod sa mga ordenansa ng priesthood, mangyari pa, ay kinabibilangan ng mga ordenansang isinasagawa sa lugar na itinalaga ng Panginoon—ang Kanyang templo. … Ang kapangyarihang magbuklod ay perpektong pagpapakita ng katarungan, awa, at pagmamahal ng Diyos.

Dahil sa pagkakaroon ng kapangyarihang magbuklod, ang ating puso ay likas na bumabaling sa mga taong namayapa na. Ang pagtitipon sa tumatanggap sa tipan sa mga huling araw ay sumasakop sa mga nasa kabilang panig ng tabing. …

Ang pinakamataas at pinakabanal na pagpapahayag ng kapangyarihang magbuklod ay nasa walang hanggang pagbibigkis ng isang lalaki at isang babae sa kasal at sa pag-uugnay ng sangkatauhan sa lahat ng kanilang henerasyon. …

Makikita natin kung bakit “ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae ay inorden ng Diyos at ang mag-anak ang sentro [sa] plano ng Tagapaglikha para sa walang hanggang tadhana ng Kanyang mga anak” [“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” Gospel Library]. Kasabay nito, alam natin na sa di-perpektong kasalukuyang panahon, hindi ito ang realidad o kaya’y makatotohanang posibilidad para sa ilan. Ngunit may pag-asa tayo kay Cristo. …

Pinatototohanan ko na ang kapangyarihang magbuklod at awtoridad na ipinanumbalik sa lupa sa pamamagitan ni Joseph Smith ay totoo, na ang ibinubuklod sa lupa ay tunay na nabubuklod sa langit.

Print