Dito ay May Pag-ibig
Mga Sipi
Ngayon, pag-usapan natin ang tungkol sa tatlong wikang gamit ng ebanghelyo sa pag-ibig. …
Una, ang wika ng ebanghelyo na pagkamagiliw at pagpipitagan. …
Nang magiliw at mapitagan, ang ating sacrament at iba pang mga miting ay nakatuon kay Jesucristo. …
… Palagi tayong magsalita nang may magiliw at mapitagang pasasalamat para sa gawain at kaluwalhatian ng Diyos at sa kabutihan, awa, at biyaya ni Jesucristo at ng Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo.
Pangalawa, ang wika ng ebanghelyo na paglilingkod at sakripisyo. …
… Ang mga tawag na maglingkod sa Panginoon at sa isa’t isa sa Kanyang Simbahan ay nagbibigay ng pagkakataon na madagdagan ang pagkahabag, kakayahan, at kababaang-loob. …
… Pinalalakas natin ang ugnayan at dinadaig ang pagkakahati-hati kapag tayo ay regular na nagmi-minister nang taos-puso sa mga tahanan ng isa’t isa at sa komunidad. …
… Ang mga aktibidad nila na pinagplanuhang mabuti ay nakatutulong para madama ng lahat na sila ay mahalaga, kabilang, at inaanyayahang gampanan ang isang mahalagang tungkulin. …
… Ang pananampalataya, paglilingkod, at sakripisyo ay nakatutulong sa atin na mas hindi magtuon sa ating mga sarili kundi mas magtuon sa ating Tagapagligtas. …
At dadalhin tayo niyan sa wika ng ebanghelyo na pagiging kabilang sa tipan. …
Nagbigay si Jesucristo ng mas mainam na paraan—ang mga ugnayang nakasalig sa banal na tipan na higit na matibay kaysa sa mga gapos ng kamatayan. Ang pagiging kabilang sa tipan sa Diyos at sa isa’t isa ay maaaring magpagaling at magpabanal sa atin at sa ating mga pinakamahalagang ugnayan. Sa katunayan, mas kilala Niya tayo at mas mahal Niya tayo kaysa sa pagkakakilala o pagmamahal natin sa ating sarili. Sa katunayan, kapag nakipagtipan tayo nang buong sarili natin, maaari tayong maging higit sa kung sino tayo. Ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos ay magpapala sa atin ng bawat magandang kaloob, sa Kanyang panahon at paraan.