Purihin ang Propeta
Mga Sipi
Mahal kong mga kapatid, pinatototohanan ko sa inyo ngayong umaga na napakapalad nating malaman ang lahat ng alam natin dahil kay Joseph Smith, ang propeta ng huling dispensasyong ito ng panahon.
Nauunawaan natin ang layunin ng buhay, kung sino tayo.
Alam natin kung sino ang Diyos; alam natin kung sino ang Tagapagligtas, dahil kay Joseph, na nagpunta sa kakahuyan noong bata pa, na naghahangad na mapatawad ang kanyang mga kasalanan.
Palagay ko ito ang isa sa mga pinakamaluwalhati at kahanga-hangang bagay na maaaring malaman ng sinuman sa mundong ito—na inihayag mismo ng ating Ama sa Langit at ng Panginoong Jesucristo ang Kanilang sarili sa mga huling araw na ito at na lumaking marapat si Joseph na ipanumbalik ang kaganapan ng walang-hanggang ebanghelyo ni Jesucristo.
Nasa atin ang Aklat ni Mormon. Napakaganda at kahanga-hangang regalo ang Aklat ni Mormon sa mga miyembro ng Simbahan. Ito ay isa pang saksi, isa pang patunay na si Jesus ang Cristo. Nasa atin ito dahil si Joseph ay naging marapat na humayo at kunin ang mga lamina, binigyang-inspirasyon ng langit na isalin ang mga iyon sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos at ibigay ang aklat sa mundo. …
… Nasa proseso tayo ng pagsisikap na ihanda ang ating sarili, bawat araw, na maging mas mabuti, mas mabait, mas handa para sa araw na iyon, na tiyak na darating, na babalik tayo sa piling ng ating Ama sa Langit at ng Panginoong Jesucristo.