2023
Si Jesucristo ang Kayamanan
Nobyembre 2023


Si Jesucristo ang Kayamanan

Mga Sipi

Larawan
Jesucristo

I-download ang PDF

Higit sa Lahat, nina Kelsy at Jesse Lightweave

Tinukoy ng propetang si Jacob ng Aklat ni Mormon ang pagwawalang-bahala o hindi pagpapahalaga sa mga bagay na nasa ating tabi na “pagtingin nang lampas sa tanda” [Jacob 4:14]. …

… Kailangan nating maging maingat upang maiwasan ang pag-uugaling ito at baka makaligtaan natin si Jesucristo sa ating buhay at mabigong makilala ang maraming pagpapalang ibinibigay Niya sa atin. Kailangan natin Siya. … Kung inaakala natin na may bagay na kailangan tayo na higit pa sa ibinibigay Niya, tinatanggihan o binabawasan natin ang kakayahan at lakas na maibibigay Niya sa ating buhay. … Si Jesucristo ang ating kayamanan.

Ang Tagapagligtas ay nagbigay sa atin ng maraming paraan upang magkusa tayong magtuon sa Kanya, kabilang na rito ang araw-araw na pagkakataong magsisi. Kung minsan, minamaliit natin ang kahalagahan ng pagpapalang ito na ibinibigay sa atin. …

… Ang mahahalagang pagpapala ng sakramento ay natatamo natin sa tuwing dumadalo tayo sa sacrament meeting. … Pinagpapala tayo ng Espiritu Santo ng Kanyang nagpapabanal na kapangyarihan upang palaging mapatawad ang ating mga kasalanan, linggu-linggo. …

Kapag nasa atin ang Espiritu Santo, tayo ay mahihikayat at gagabayang gumawa at tumupad ng iba pang mga tipan, tulad ng mga tipang ginawa natin sa mga templo. Ang paggawa nito ay nagpapalalim sa ating ugnayan sa Diyos. … Ang ating katapatan sa pagdalo sa templo kapag nasa malapit lamang ito ay dapat na kasingtibay rin kapag nasa malayo ito.

… Kapag nagtitiwala tayo sa propeta ng Diyos na nasa mundo ngayon at kumikilos ayon sa kanyang payo, matatagpuan natin ang kaligayahan, at tayo rin ay mapagagaling. Hindi natin kailangang humanap pa ng iba.

Print