2023
Mga Pahiwatig ng Espiritu
Nobyembre 2023


Mga Pahiwatig ng Espiritu

Mga Sipi

data-poster

I-download ang PDF

Inaanyayahan tayo ng Panginoon na masigasig na hangarin ang pinakamahuhusay na kaloob, maging ang mga espirituwal na kaloob. Nagbibigay Siya ng mga espirituwal na kaloob upang pagpalain tayo at upang gamitin sa pagpapala sa iba. …

… Ang paggamit ng mga espirituwal na kaloob ay nangangailangan ng espirituwal na pagsasanay. …

Ang palagiang patnubay ng Espiritu Santo ay isa sa mga pinakadakilang espirituwal na kaloob na tinatamasa ng mga Banal sa mga Huling Araw. …

Magbibigay ako ng apat na gabay na alituntunin na maaaring makatulong sa inyo sa pag-anyaya at pagtukoy sa mga pahiwatig ng Espiritu.

Ang una ay tumayo sa mga banal na lugar. …

Pangalawa, makiisa sa mga banal na tao. …

Pangatlo, patotohanan ang mga banal na katotohanan nang madalas hangga’t kaya ninyo. …

Ang huling alituntunin ay pakinggan ang Banal na Espiritu. …

Habang pinag-iisipan ninyo ang mga alituntuning ito upang maanyayahan at matukoy ang Espiritu, isaalang-alang ang mga sumusunod na nagbababalang paalala.

Kumpirmahin ang inyong mga espirituwal na impresyon. …

Tiyakin na ang ipinadarama sa inyo ay naaayon sa inyong tungkulin. …

Ang mga espirituwal na bagay ay hindi maipipilit. …

Gamitin ang inyong pinakamainam na paghatol. …

Magtatapos ako sa paanyaya lalong-lalo na para sa lahat ng kabataan! Marami sa inyo ang sinisimulan ang araw sa pagtayo sa harap ng salamin. Bukas, sa linggong ito, sa taong ito, sa tuwina, tumigil sandali habang tinitingnan ninyo ang inyong sarili sa salamin. Isipin sa inyong sarili, o sabihin nang malakas kung gusto ninyo, “Aba, tingnan mo nga naman! Ako ay [kahanga-hanga]! Ako ay anak ng Diyos! Kilala Niya ako! Mahal Niya ako! Ako ay may kaloob—kaloob na Espiritu Santo na makakasama ko sa tuwina!”