2023
Ang Alibugha at ang Daan Pauwi
Nobyembre 2023


Ang Alibugha at ang Daan Pauwi

Mga Sipi

alt text

I-download ang PDF

Ang Pagbabalik ng Alibughang Anak, ni Richard Burde

Sino sa atin ang hindi lumisan sa landas ng kabanalan, na hangal na nag-aakalang mas liligaya tayo sa sarili nating makasariling paraan?

Sino sa atin ang hindi nakadama ng pagpapakumbaba, nabagbag ang puso, at naging desperado na mapatawad at kaawaan?

Marahil ay iisipin pa ng ilan, “Posible pa kayang bumalik? Habang panahon ba akong may magbabansag sa akin, tatanggihan, at iiwasan ng mga dati kong kaibigan? Mas mabuti pa kaya na manatili na lamang na nawawala? Paano tutugon ang Diyos kung susubukan kong bumalik?”

Sinasagot tayo [ng] talinghaga [tungkol sa alibughang anak].

Patakbo tayong sasalubungin ng ating Ama sa Langit, na puspos ng pagmamahal at habag ang Kanyang puso. …

Magsasaya ang langit sa ating pagbabalik. …

Bagama’t maaaring inilayo kayo ng mga pagpiling ginawa mula sa Tagapagligtas at sa Kanyang Simbahan, ang Dalubhasang Manggagamot ay nakatayo sa daan pauwi, at malugod kayong tinatanggap. At tayo na mga miyembro ng Simbahan ni Jesucristo ay nagsisikap na tularan ang Kanyang halimbawa at yayakapin kayo bilang aming mga kapatid, at aming mga kaibigan. Magkasama tayong magsasaya at magdiriwang. …

Hindi ko kayo papaniniwalain na madaling gawin ang magbalik. Mapatototohanan ko iyan. Ang totoo, maaari pang ito ang pinakamahirap na desisyong gagawin ninyo.

Ngunit pinatototohanan ko na sa sandaling magpasiya kayong bumalik at lumakad sa landas ng ating Tagapagligtas at Manunubos, ang Kanyang kapangyarihan ay papasok sa inyong buhay at magbabago ito.