2023
Mananatili sa Araw na Yaon kay Cristo
Nobyembre 2023


Mananatili sa Araw na Yaon kay Cristo

Mga Sipi

alt text

I-download ang PDF

Natutuhan ko mula sa personal na karanasan na ang espirituwal na paghahanda para sa pagparito ng Panginoon ay hindi lamang mahalaga kundi ang tanging paraan para makahanap ng tunay na kapayapaan at kaligayahan.

Isang malamig na araw iyon ng taglagas noong una kong marinig ang mga salitang “May kanser ka.” …

Dahil kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo, kung mamamatay ako, papanatagin, palalakasin, at magkakasamang muli ang aking pamilya balang-araw. Kung mabubuhay ako, magkakaroon ng daan para matanggap ko ang pinakamatinding kapangyarihan sa mundong ito para matulungan, mapalakas, at mapagaling ako. Sa huli, dahil kay Jesucristo, maaaring maging maayos ang lahat. …

Ginawang posible ni Jesucristo na tayo ay “manatili sa araw na yaon.” Ang pananatili sa araw na iyon ay hindi nangangahulugang pagdaragdag sa listahan ng mga gagawin. Isipin ang isang magnifying glass. Ang tanging gamit nito ay hindi lamang para mas palakihin ang mga bagay-bagay. Maaari din itong magtipon at magpokus ng liwanag para maging mas mabisa ito. Kailangan nating gawing simple ang mga bagay-bagay, ituon ang ating mga pagsisikap, at maging mga tagapagtipon ng Liwanag ni Jesucristo. Kailangan natin ng mas maraming banal at nagbubunsod ng paghahayag na mga karanasan. …

Ang buhay na walang hanggan ay walang hanggang kagalakan. Kagalakan sa buhay na ito, ngayon—hindi sa kabila ng mga hamon sa ating panahon kundi dahil sa tulong ng Panginoon ay matututo tayo mula sa mga ito at sa huli ay madadaig ang mga ito—at di-masukat na kagalakan sa buhay na darating. Ang mga luha ay matutuyo, ang mga bagbag na puso ay mapagagaling, ang nawala ay matatagpuan, ang mga alalahanin ay malulutas, ang mga mag-anak ay magkakasamang muli, at lahat ng mayroon ang Ama ay mapapasaatin.