2023
Ikapu: Pagbubukas ng mga Bintana ng Langit
Nobyembre 2023


Ikapu: Pagbubukas ng mga Bintana ng Langit

Mga Sipi

data-poster

I-download ang PDF

Ang lahat ng mayroon tayo at ang lahat ng kung sino tayo ay mula sa Diyos. Bilang mga disipulo ni Cristo, kusang-loob tayong nagbabahagi sa yaong mga nasa paligid natin.

Sa lahat ng ibinibigay sa atin ng Panginoon, inutusan Niya tayong ibalik sa Kanya at sa Kanyang kaharian sa lupa ang 10 porsiyento ng ating kita. Ipinangako Niya sa atin na kapag tayo ay tapat sa ating mga ikapu, Kanyang “bubuksan … ang mga bintana ng langit, at ibubuhos … ang isang pagpapala na walang sapat na kalalagyan” [Malakias 3:10]. Nangako Siyang poprotektahan Niya tayo laban sa kasamaan. …

Bumubukas ang mga bintana ng langit sa maraming paraan. Ang ilan ay temporal ngunit marami ang espirituwal. Ang ilan ay simple at madaling hindi mapansin. Magtiwala sa oras ng Panginoon; palaging dumarating ang mga pagpapala. …

… Sinasabi ng mundo na ang ikapu ay tungkol sa pera, ngunit ang sagradong batas ng ikapu ay isa talagang pagsubok sa ating pananampalataya. Ang pagiging tapat sa ating mga ikapu ay isang paraan upang maipakita ang ating kahandaan na unahin ang Panginoon sa ating mga buhay, higit pa sa ating mga alalahanin at kagustuhan. Nangangako ako sa inyo na kapag nagtiwala kayo sa Panginoon, ang mga pagpapala mula sa langit ay susunod. …

Ang karagdagang kasaganaan ng Panginoon na inihahatid sa pamamagitan ng inyong mga bukas-palad na ikapu ay nakapagpapalago sa mga pondo ng Simbahan, nagbibigay ng oportunidad na maisulong ang gawain ng Panginoon sa mga bagay na hindi pa natin nagawa noon. Ang lahat ay nalalaman ng Panginoon, at sa takdang panahon, makikita nating matutupad ang Kanyang mga sagradong layunin.