2023
Pagtingin sa Pamilya ng Diyos Ayon sa Kanyang Pananaw
Nobyembre 2023


Pagtingin sa Pamilya ng Diyos Ayon sa Kanyang Pananaw

Mga Sipi

data-poster

I-download ang PDF

Posible kayang unti-unti nating makita kung ano ang nakikita ng Diyos habang nakatira tayo sa planetang ito—ang madama ang overview effect na ito? Sa palagay ko, sa mata ng pananampalataya, kaya nating makita ang ating sarili at ating mga pamilya sa mas malawak na pananaw nang may pag-asa at kagalakan. …

… Dahil kay Cristo, ang lahat ng bagay ay magiging maayos Ang lahat ng bagay na ipinag-aalala ng bawat isa sa inyo—ay magiging maayos! Ang mga tumitingin gamit ang mata ng pananampalataya ay madarama na magiging maayos ang ngayon. …

Kung minsan mas kailangan natin ang pagdamay kaysa sa payo; pakikinig kaysa sa sermon. …

Tingnan natin ang mga ugnayan ng pamilya bilang isang napakahusay na kasangkapan na magtuturo sa atin ng mga aral na dapat nating matutuhan dito sa lupa kapag bumabaling tayo sa Tagapagligtas.

Aminin natin na sa isang mundong makasalanan, hindi maaaring maging perpektong asawa, magulang, anak, apo, guro, o kaibigan—pero napakaraming paraan para maging mabuting tao. …

Sa mga huling araw na ito, marahil ang pinakadakilang gawain natin ay sa ating mga mahal sa buhay—mabubuting tao na namumuhay sa isang masamang mundo. Ang ating pag-asa ay nagpapabago sa kanilang pagtingin sa kanilang sarili at kung sino talaga sila. At sa pamamagitan ng pananaw na ito ay makikita nila kung ano ang kanilang kahihinatnan. …

At dahil tayo ay mga anak ng tipan, maaari nating hilingin ang pag-asang ito ngayon! …

Ang pagmamahal ang nagpapabago ng mga puso. Ito ang pinakadalisay na motibo sa lahat, at madarama ito ng ibang tao. … Tiyak na ang may pinakamalalim at pinakamatagal na pagmamahal ang siyang magwawagi! …

Kayo at ako? Magagawa natin ito! Maaari tayong patuloy na magkaroon ng pag-asa!