2023
Magkakapatid kay Cristo
Nobyembre 2023


Magkakapatid kay Cristo

Mga Sipi

Larawan
data-poster

I-download ang PDF

Itinuturo ng ebanghelyo ni Jesucristo na tayong lahat ay mga natatanging espiritung anak ng mga magulang sa langit na tunay na nagmamahal sa atin at na namuhay tayo bilang isang pamilya sa piling ng Diyos bago tayo isinilang sa mundong ito. Itinuturo din ng ebanghelyo na tayong lahat ay nilalang sa larawan at wangis ng Diyos. Samakatwid, pantay-pantay tayong lahat sa Kanyang paningin. …

Bilang mga disipulo ni Cristo, inaanyayahan tayo na paigtingin ang ating pananalig at pagmamahal para sa ating espirituwal na kapatiran sa pamamagitan ng tapat na pagsasama-sama ng ating mga puso sa pagkakaisa at pagmamahal, hindi alintana ang ating mga pagkakaiba, sa gayon nadaragdagan ang ating kakayahang isulong ang respeto para sa dignidad ng lahat ng mga anak ng Diyos. …

… Walang lugar para sa mga mapanghusgang kaisipan o gawain sa komunidad ng mga Banal. …

Nawa’y maiayon natin ang ating mga puso’t isipan sa kaalaman at patotoo na pantay-pantay tayo sa paningin ng Diyos, na tayong lahat ay lubos na pinagkalooban ng parehong potensyal at pamana na walang hanggan. Nawa’y mas ikalugod natin ang espirituwal na ugnayan na namamagitan sa atin at pahalagahan ang iba-ibang katangian at sari-saring kaloob na mayroon tayong lahat. …

Pinatototohanan ko sa inyo na habang patuloy ang ganitong takbo ng ating mortal na buhay, isang bagong araw ang magsisimula nang may bagong ilaw na magpapaningning sa ating buhay at magtatampok ng mga kamangha-manghang pagkakataon na mas pahalagahan ang, at mas mapagpala ng, pagkakaiba-iba na likha ng Diyos para sa Kanyang mga anak. Siguradong magiging mga kasangkapan tayo sa Kanyang mga kamay upang magsulong ng respeto at dignidad sa lahat ng Kanyang mga anak.

Print