Mamuhay na Nakaugnay kay Cristo sa Pamamagitan ng Tipan
Mga Sipi
Tulad ng ginawa Niya kay Jacob, sasagutin tayo ng Panginoon sa panahon ng ating kapighatian kung pipiliin nating iangkla ang ating buhay sa Kanya. Nangako Siya na lalakad na kasama natin sa landas.
Ang tawag natin dito ay pagtahak sa landas ng tipan—landas na nagsisimula sa tipan ng binyag at humahantong sa mas malalim na mga tipan natin sa templo. … Ang tipan ay hindi lamang tungkol sa kasunduan, bagama’t mahalaga iyan. Tungkol ito sa pakikipag-ugnayan. …
Layunin Niyang tulungan tayo sa ating pagkakalugmok. Tatagpuin tayo ni Jesucristo kung saan tayo naroroon. Ito ang dahilan ng halamanan, ng krus, at ng libingan. Ang Tagapagligtas ay isinugo upang tulungan tayong makapanaig. Ngunit ang pananatili sa kinaroroonan natin ay hindi maghahatid ng kaligtasang hangad natin. … Siya ay may misyon din na iangat tayo. Tutulungan Niya tayo para dalhin tayo sa kinaroroonan Niya at, sa huli, ay bibigyan tayo ng kakayahang maging tulad Niya. Pumarito si Jesucristo upang iangat tayo. Nais Niyang tulungan tayong makamit ang dapat nating marating. Iyan ang dahilan kaya may templo. Dapat nating tandaan: hindi lamang ang landas ang dadakila sa atin; kundi ang kasama natin–ang ating Tagapagligtas. At ito ang dahilan ng ugnayan sa pamamagitan ng tipan. …
… Magsimula sa inyong kinaroroonan. Huwag hayaang humadlang ang inyong kalagayan. Tandaan, ang pag-unlad ninyo sa landas ng tipan ay mas mahalaga kaysa sa bilis ng progreso. …
Salamat at magkakasama tayong naglalakad sa landas na ito, naghihikayat sa iba habang naglalakbay. Sa pagbabahagi natin ng personal na karanasan kasama si Cristo, mapapalakas natin ang ating sariling katapatan.