2023
Maging mga Mapamayapang Tagasunod ni Cristo
Nobyembre 2023


Maging mga Mapamayapang Tagasunod ni Cristo

Mga Sipi

data-poster

I-download ang PDF

Para sa atin sa Simbahan na nagsisikap na maging “mga mapamayapang tagasunod ni Cristo” isang mas matibay na pag-asa ang naghihintay sa atin kapag nakatuon tayo sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Ang mga pagsubok ay bahagi ng mortalidad at nangyayari sa buhay ng lahat ng tao sa iba’t ibang panig ng mundo. …

Madalas itanong sa mga lider ng Simbahan, “Bakit tinutulutan ng isang makatarungang Diyos na may mangyaring masama, lalo na sa mabubuting tao?” …

Hindi natin alam ang lahat ng sagot; gayunman, alam natin ang mahahalagang alituntunin na nagtutulot sa atin na harapin ang mga pagsubok, paghihirap, at kapighatian nang may pananampalataya at tiwala sa magandang hinaharap na naghihintay sa bawat isa sa atin. …

Alam natin na halos lahat tayo ay nakaranas na ng pisikal at espirituwal na mga unos sa ating buhay, ang ilan ay nakapanlulumo. Isang mapagmahal na Ama sa Langit at ang Kanyang Anak na si Jesucristo, na namumuno sa Kanyang ipinanumbalik na Simbahan, ang naglaan sa atin ng mga banal na kasulatan at mga propeta upang ihanda tayo, balaan tayo tungkol sa mga panganib, at bigyan tayo ng patnubay upang ihanda at protektahan tayo. Ang ilang direksyon ay nangangailangan ng agarang pagkilos, at ang ilan ay nagbibigay ng proteksyon sa loob ng maraming taon sa hinaharap. …

… Ang mga buhay na puno ng papuri, musika, at pasasalamat ay talagang pinagpapala. Ang pagiging masaya at mapagtiwala sa tulong ng langit sa pamamagitan ng panalangin ay mabisang paraan upang maging mga mapamayapang tagasunod ni Cristo. Ang pagsisikap na laging magalak ay nakatutulong upang maiwasang manlumo. …

Bilang Apostol ng Panginoong Jesucristo, pinatototohanan ko na ang “mga mapamayapang tagasunod ni Cristo” ay makadarama ng personal na kapayapaan sa buhay na ito at ng maluwalhating pagkikitang muli sa langit.