2023
Nasa Landas ng Kanilang Tungkulin
Nobyembre 2023


Nasa Landas ng Kanilang Tungkulin

Mga Sipi

Larawan
alt text

I-download ang PDF

… Nagpapasalamat ako para sa napakaraming miyembro ng Simbahan na lumalapit ngayon sa Tagapagligtas at sumusulong sa landas ng tipan. … Ang inyong malakas na pananampalataya sa Ama sa Langit at sa Panginoong Jesucristo at ang inyong hindi mapagkunwari at inilaang buhay ay nagbibigay ng inspirasyon sa akin na maging mas mabuting tao at disipulo.

Mahal ko kayo. Hinahangaan ko kayo. Nagpapasalamat ako sa inyo. At pinupuri ko kayo.

Ang isang pahayag ni Samuel na Lamanita sa Aklat ni Mormon ay pinakamainam na nagbubuod sa nadarama ko para sa inyo.

“[Masdan,] ang malaking bahagi nila ay nasa landas ng kanilang tungkulin … at sila ay nagsisikap nang walang kapagurang pagsusumigasig upang madala nila ang nalalabi sa kanilang mga kapatid sa kaalaman ng katotohanan” [Helaman 15:5–6; idinagdag ang diin]. …

Kayo ay nagmamahal at naglilingkod, nakikinig at natututo, nagmamalasakit at nagbibigay ng kapanatagan, nagtuturo at nagpapatotoo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Kayo ay madalas na nag-aayuno at nananalangin, lalong tumitibay sa pagpapakumbaba, at lalong tumatatag sa pananampalataya kay Cristo, “hanggang sa mapuspos ang [inyong] mga kaluluwa ng kagalakan at kasiyahan, oo, maging hanggang sa pagpapadalisay at sa pagpapakabanal ng [inyong] mga puso, kung aling pagpapakabanal ay napasa[inyo] dahil sa paghahandog ng [inyong] mga puso sa Diyos” [Helaman 3:35].

… Kayo na sumusulong ngayon sa landas ng inyong tungkulin ang lakas ng ipinanumbalik na Simbahan ng Tagapagligtas. At tulad ng ipinangako ng Panginoon, “lahat ng luklukan at nasasakupan, mga pamunuan at kapangyarihan, ay ipahahayag at ipagkakaloob sa lahat ng magiting na nagtiis para sa ebanghelyo ni Jesucristo” [Doktrina at mga Tipan 121:29].

Print