Pagsang-ayon sa mga General Authority, Area Seventy, at Pangkalahatang Pinuno
Mga kapatid, pribilehiyo kong ilahad sa inyo ang mga General Authority, Area Seventy, at Pangkalahatang Pinuno ng Simbahan para sa inyong boto ng pagsang-ayon.
Ipakita lamang ang inyong suporta sa karaniwang paraan saanman kayo naroon. Kung mayroong mga tutol sa alinman sa mga iminungkahi, hinihiling naming kontakin ninyo ang inyong stake president.
Iminumungkahing sang-ayunan natin si Russell Marion Nelson bilang propeta, tagakita, at tagapaghayag at Pangulo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw; Dallin Harris Oaks bilang Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan; at Henry Bennion Eyring bilang Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan.
Ang mga sang-ayon ay ipakita lamang.
Ang hindi sang-ayon, kung mayroon, ipakita lamang.
Iminumungkahing sang-ayunan natin si Dallin H. Oaks bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol at si M. Russell Ballard bilang Gumaganap na Pangulo ng Korum ng Labindalawang Apostol.
Ang mga sang-ayon, ipakita lamang.
Ang hindi sang-ayon ay ipakita lamang.
Iminumungkahing sang-ayunan natin ang mga sumusunod bilang mga miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol: M. Russell Ballard, Jeffrey R. Holland, Dieter F. Uchtdorf, David A. Bednar, Quentin L. Cook, D. Todd Christofferson, Neil L. Andersen, Ronald A. Rasband, Gary E. Stevenson, Dale G. Renlund, Gerrit W. Gong, at Ulisses Soares.
Ang mga sang-ayon, ipakita lamang.
Ang hindi sang-ayon ay ipakita lamang.
Iminumungkahing sang-ayunan natin ang mga tagapayo sa Unang Panguluhan at ang Korum ng Labindalawang Apostol bilang mga propeta, tagakita, at tagapaghayag.
Lahat ng sang-ayon, mangyaring ipakita.
Ang hindi sang-ayon, kung mayroon, ay ipakita rin.
Ini-release namin sina Elder Weatherford T. Clayton, LeGrand R. Curtis Jr., Randy D. Funk, Christoffel Golden, Walter F. González, Larry S. Kacher, Lynn G. Robbins, at Joseph W. Sitati bilang mga General Authority Seventy at ipinagkaloob sa kanila ang emeritus status.
Ang mga nais magpakita ng pasasalamat sa mga kapatid na ito at kanilang mga asawa at pamilya sa kanilang taos-pusong paglilingkod sa loob ng maraming taon ay mangyaring ipakita sa pagtataas ng mga kamay.
Pinasasalamatan din namin ang mga Area Seventy na natapos na sa kanilang paglilingkod nitong nakaraang taon, na ang mga pangalan ay makikita sa newsroom.ChurchofJesusChrist.org.
Ang mga nais makiisa sa amin sa pagpapasalamat sa mga kapatid na ito sa mahusay nilang paglilingkod ay mangyaring ipakita.
Iminumungkahing sang-ayunan natin ang iba pang mga General Authority at Area Seventy—kabilang ang anim na bagong Area Seventy na nauna nang ipinabatid nitong linggong ito sa newsroom.ChurchofJesusChrist.org, at ang mga General Officer sa kasalukuyan.
Ang mga sumasang-ayon ay maaari itong ipakita sa pagtataas ng kamay.
Ang hindi sang-ayon, kung mayroon.
Salamat, mga kapatid, sa inyong patuloy na pananampalataya at mga panalangin para sa mga pinuno ng Simbahan.
Mga Pagbabago sa mga Area Seventy
Ang mga sumusunod na Area Seventy ay sinang-ayunan sa isang leadership session na idinaos bilang bahagi ng pangkalahatang kumperensya:
Ricardo J. Battista, Willy Binene, Bernhard Cziesla, Nathan R. Emery, Sione Tuione, Yves S. Weidmann.
Ang mga sumusunod na Area Seventy ay ini-release noong Agosto 1, 2022:
Luis R. Arbizú, Michael V. Beheshti, David A. Benalcázar, Berne S. Broadbent, Kevin E. Calderwood, Luciano Cascardi, Ting Tsung Chang, Ariel E. Chaparro, Pablo H. Chavez, Raymond A. Cutler, José L. Del Guerso, Alessandro Dini Ciacci, Carlos R. Fusco Jr., Jorge A. García, Gary F. Gessel, Karl D. Hirst, Ren S. Johnson, Jay B. Jones, Paul N. Lekias, Artur J. Miranda, Elie K. Monga, A. Fabio Moscoso, Yutaka Nagatomo, Juan C. Pozo, Anthony Quaisie, Martin C. Rios, Sandino Roman, Johnny F. Ruiz, Rosendo Santos, Gordon H. Smith, K. Roy Tunnicliffe.
Elder Levi W. Heath at Elder ‘Inoke F. Kupu, na naglingkod bilang mga Area Seventy, ay pumanaw nitong 2022.