Halina’t Pakinggan ang Tinig ng Isang Propeta
Mapapalad ang mga Tagapamayapa
Mula sa isang mensaheng ibinigay sa Brigham Young University noong Pebrero 6, 1994.
Kapag tumingin kayo sa inyong diyaryo at telebisyon, wala kayong gaanong nakikita tungkol sa kapayapaan. Araw-araw ang mga balita ay puno ng karahasan sa lahat ng dako ng mundo.
Sabi ng Tagapagligtas, “At mapapalad ang lahat ng tagapamayapa, sapagkat sila’y tatawaging mga anak ng Diyos” (3 Nephi 12:9).
Nang mabasa ko iyan noong bata pa ako, naisip ko ang pangako. Parang hindi ito gaanong maluwalhati. Pero alam ko na ngayon na ang pangakong iyon ay kapwa maluwalhati at tiyak. Yaong mabubuhay nang walang hanggan ay ang mga anak ng Diyos.
Pinatototohanan ko na kilala kayo ng Diyos. Nagmamalasakit Siya sa mga tao sa inyong paligid, at mahal Niya kayo. Kayo ay Kanyang disipulo, kaya kayo’y isang liwanag sa mga tao. Kapag namuhay kayo nang may pananampalataya para magpahayag ng ebanghelyo at kapayapaan sa mga nasa paligid ninyo, madarama nila ang liwanag ng Tagapagligtas. Maituturo ninyo ang daan.
Pinatototohanan ko sa inyo na ang Diyos ay buhay; na si Jesus ang Cristo. Dama ko ang pagmamahal Niya sa inyo. Alam kong nangusap ng katotohanan ang Tagapagligtas nang sabihin Niya, “Mapapalad ang mga tagapamayapa.”
Isang Di-Payapang Family Home Evening
May mga pagkakataon sa bawat tahanan na kailangan ang isang tagapamayapa. Sina Pangulo at Sister Eyring ay may apat na anak na lalaki at dalawang anak na babae. Noong mga bata pa ang kanilang mga anak, nagturo si Pangulong Eyring sa family home evening tungkol sa kapayapaan. Habang nagtuturo, napansin niyang nagsisipaan ang dalawa sa maliliit niyang anak na lalaki! Ngunit nang lumaki ang dalawang batang iyon, natutuhan nilang maging mga tagapamayapa at naging matalik na magkaibigan at magkatuwang.
Kailan nangangailangan ng isang tagapamayapa ang inyong pamilya? Ano ang magagawa ninyo para makatulong?
Nangangailangan ng Tagapamayapa!
Narito ang isang sitwasyon na kailangan ang isang tagapamayapa. Pagsunud-sunurin ang mga larawan mula una hanggang huli para makita kung paano nakaaapekto sa kanyang pamilya ang hangarin ng isang bata na maging tagapamayapa.
A
B
C
D
Paano Napasaatin ang Lubos na mga Pagpapala [Beatitudes]
Ang “mapapalad ang mga mapagpayapa” ay isa sa mga turo ni Jesus na tinawag na “Lubos na mga Pagpapala” (tingnan sa Mateo 5:1–11). Ang Lubos na mga Pagpapala ay mga paraan para mabuhay nang maligaya. Bawat isa ay nagsasabi ng isang tiyak na pagpapalang matatanggap natin kapag sinunod natin ang isang partikular na turo. Napasaatin ang Lubos na mga Pagpapala sa ganitong paraan:
1. Isang araw sinundan ng maraming tao si Jesus. Nabalitaan nila na napapagaling Niya ang mga tao at nakagagawa ng iba pang mga himala. Gusto nilang marinig Siyang magturo.
2. Malapit si Jesus sa isang burol, o bundok. Umakyat Siya nang kaunti sa gilid ng burol at nagsalita, o nagsermon.
3. Sa Kanyang sermon, itinuro ni Jesus sa mga tao kung paano sila dapat mamuhay para pagpalain sila ng Diyos. Ang kahulugan ng mga salitang lubos na pagpapala ay “maging maligaya” o “pagpalain.”
4. Ang mensahe ni Jesus sa araw na iyon ay tinatawag na Sermon sa Bundok. Nang Siya ay mabuhay na mag-uli, ito rin ang sermong ibinigay ni Jesus sa mga tao sa mga lupalop ng Amerika nang dalawin Niya sila (tingnan sa 3 Nephi 12:3–11).