Mula sa Buhay ni Propetang Joseph Smith Ang Tinig ng Propeta Hango sa Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith: (kurso ng pag-aaral sa Melchizedek Priesthood at Relief Society, 2007), 577–82. Kapag nagsasalita sa kongregasyon si Joseph Smith, nakikinig ang mga tao. Nakikinig sila sa kanya nang maraming oras, at madalas mas gusto pang makinig ng mga bata sa Propeta kaysa maglaro. Madalas magsalita si Joseph sa labas para mas maraming tao ang makarinig sa kanya. Isang araw na katulad noon sa Nauvoo, isang malakas na hangin at bagyo ang dumating habang nangangaral siya. Ang kapal ng alikabok; wala akong makita. Uwi na tayo bago lumakas ang bagyo. Tinawag ni Joseph ang mga papaalis na. Pagdasalin ninyo ang lahat sa Poong Maykapal na tumigil ang hangin at ulan, at mangyayari iyon. O Ama, nawa po patigilin na Ninyo ang hangin at ulan. Makalipas ang ilang minuto, nahati ang bagyo. Hinahampas ng hangin ang mga palumpong at puno sa magkabilang panig, pero payapa sa lugar na kinatatayuan ni Joseph. Ngayon, mga kapatid, gusto kong sabihin sa inyo ang ilang mahahalagang katotohanan. Makalipas ang isang oras nakatapos ang Propeta, at bumalik ang bagyo. Magsiuwi kayo agad sa bahay ninyo at pag-isipan ang sinabi ko. Bilis, mga bata. Ang pangangaral at pamumuhay ni Joseph ay napaka-makapangyarihan kaya’t maraming nagbigay ng malakas na patotoo sa katotohanan ng ebanghelyo at sa katungkulan ni Joseph bilang Propeta. Kilala ko siya kung paano niya ipinakilala ang kanyang sarili—isang tunay na propeta ng Diyos. Siya ay totoong propeta ng Diyos na buhay; at kapag lalo kong naririnig ang kanyang mga sinasabi at nakikita ang kanyang mga ginagawa lalo akong nakukumbinsi. Ngayon, naaalala pa rin si Propetang Joseph Smith ng milyun-milyong tao sa buong mundo na nakakaalam na tinawag siya ng Diyos para ipanumbalik ang ebanghelyo ni Jesucristo sa lupa. Mga paglalarawan nina Sal Velluto at Eugenio Mattozzi