2009
Isang Pagkakataong Magbago
Hulyo 2009


Isang Pagkakataong Magbago

Pitong taon na akong miyembro ng Simbahan. Sa panahong iyon, alam ko nang ito lamang ang totoong Simbahan ng Panginoong Jesucristo, pero minsan sa buhay ko, hindi ako gaanong naging aktibo.

Nagsimula ang problema nang lumipat sa ibang bayan ang pamilya ko. Ilang buwan naming tinunton ang kinaroroonan ng meetinghouse na dapat naming daluhan at ilang linggo pa rin bago kami nakapagsimba. Hindi ako gaanong natuwa sa pagbabago, at makalipas ang ilang linggo, hindi na ako nagsimba.

Isang araw hindi ko inasahang bibisitahin ako ng bishop ko pero natuwa ako. Inanyayahan niya akong magsimbang muli tuwing Linggo at dumalo sa seminary. Nagpasiya akong tanggapin ang mga paanyayang ito.

Ilang linggo bago ako nagsimbang muli, ipinaalam sa akin ng bishop ang programang Tungkulin sa Diyos. Ipinaliwanag niya ang kabuuan nito, at naging interesado akong simulan ito.

Sinimulan kong punan at kumpletuhin ang mga mithiing nasa polyeto. Nalaman ko na tumutulong ang programang Tungkulin sa Diyos na mapabuti ko ang buhay ko. Naging mas aktibo ako sa Simbahan at nagustuhan kong dumalo sa seminary. Sinisikap kong higit na ipamuhay ang mga pamantayan ng Simbahan, at gustung-gusto kong basahin ang mga banal na kasulatan at Liahona.

Nang simulan ko ang programang Tungkulin sa Diyos, nagtakda ako ng mga mithiin tulad ng pagmimisyon at pagdalo sa Latter-day Saint preparatory school Benemérito de las Américas, at marami pang iba. Noong huling taglagas, natanggap ko ang Gawad na Tungkulin sa Diyos at ang Melchizedek Priesthood, at malapit na akong magmisyon.

Pinasasalamatan ko ang Ama sa Langit bawat araw sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong magbago at maging karapat-dapat na miyembro ng Kanyang Simbahan. Nagpapasalamat ako sa mga programa at lider ng Simbahan na tumulong sa akin na magbago.