Ang Mahalay na Kasuotan
Para sa programa sa pagtatapos ng klase, magtatanghal kami ng isang musikal. Tuwang-tuwa ako, lalo na dahil may papel ako rito. Dumalo ako sa lahat ng praktis kahit walang makapaghatid sa akin doon. Pero nang ipakita sa amin ng titser ko ang isusuot namin, nanlupaypay ako. Mahalay iyon.
Sinabi ko sa titser ko na hindi ko iyon isusuot, at nagalit siya sa akin. Sabi niya walang problema ang ibang babae sa kasuotan at kung ayaw kong isuot iyon, hindi ako makakasali. Hinikayat pa niya ang nanay ko na pilitin akong isuot iyon. Pero alam kong dapat kong sundin ang mga kautusan, kaya sabi ko hindi na lang ako sasali.
Pagkatapos, ilang araw lang bago ang pagtatanghal, nakakuha ng bagong mga kasuotang disente ang titser. Masaya ako at hindi ko inisip na dahil “ngayon lang naman” OK lang maging mahalay.
Estera C., edad 12, sa tulong ni Cecilia Squarcia, Italy