2009
Pagtuturo sa Isang Kaibigan
Hulyo 2009


Pagtuturo sa Isang Kaibigan

Christian S., edad 10, Arizona, USA

Nagpunta ako sa dalawang-araw na field trip kasama ang iba pang mga estudyante sa grade five at six para mag-aral ng paleontology. Kasama ko sa isang silid sa otel ang tatlo sa mga kaibigan ko. Isa sa mga kaibigan ko ang nakakita ng Biblia sa isang drawer. Binuklat niya ang ilan sa mga pahina nito at nagpatulong sa akin na basahin ito. Nagulat ako na wala siyang alam na anumang kuwento sa Biblia na akala ko’y alam ng lahat. Itinuro ko sa kanya ang tungkol sa Paglikha, sina Adan at Eva, at ang Pagkabuhay na mag-uli. Ikinuwento ko rin sa kanya si Joseph Smith. Ikinuwento ko sa kanya ang ilan sa mga kuwentong natutuhan ko sa Primary.

Pagkatapos, nadama kong dapat kaming manalangin. Ang kaibigan ko ang pinagdasal ko. Ginabayan ko siya sa pagsasabi ng paisa-isang parirala at pagpapaulit nito sa kanya. Sumaya ako, at sinabi ng kaibigan ko na maganda ang pakiramdam niya.

Hinding-hindi ko inasahang mangyayari iyon sa school field trip namin. Natuwa ako’t nang magkaroon ako ng oportunidad na maging isang misyonero, handa ako at hindi natakot na ibahagi ang aking mga paniniwala.