2022
Pagiging Mas Mabuti Nang Hindi Nagiging Negatibo sa Karanasang Sinapit
Pebrero 2022


Welcome sa Isyung Ito

Pagiging Mas Mabuti Nang Hindi Nagiging Negatibo sa Karanasang Sinapit

a woman with eyes closed

Bilang mga anak ng Diyos sa makalupang ilang na ito, madalas tayong magkamali, hindi matalino sa pagpili, at bumibigat ang pakiramdam dahil sa mga pagdududa at panghihina-ng-loob. Alam ng ating mapagmahal na Ama na ang ating mahihirap na araw ay magpapadalisay sa atin at magiging dahilan para lumapit tayo sa Kanya para sa banal na pagwawasto, patnubay, at koneksyon.

Kabilang sa plano ng kaligayahan ng Diyos ang mga tipan na nagpapalakas at nagbibigkis sa atin sa Kanya. Gamit ang halimbawa ng isang matapat na kapatid, itinuro sa atin ni Elder Neil L. Andersen ang ibig sabihin ng maging mga pinagtipanang tao (tingnan sa pahina 6).

Nang pag-aralan at ibigay ko ang mga pagtatanghal tungkol sa kaligayahan, katatagan, at paglago ng mga pamilya, nakita ko nang mas malinaw kung paano na ang Diyos ay nasa mismong mga detalye ng buhay. Sa pahina 16, nagbahagi ako ng isang mensahe na kinabibilangan ng apat na kataga na nakatulong sa pagbibigay ng pag-asa at pananaw kapag tila nawala na ang lahat.

Ang dahilan kung bakit may kapayapaan sa landas ng tipan ay dahil ang makipot at makitid na landas na ito ay direktang umaakay sa atin tungo sa Prinsipe ng Kapayapaan na si Jesucristo. Siya ang daan. At ang Kanyang landas ay humahantong sa “kapayapaan sa daigdig na ito, at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating” (Doktrina at mga Tipan 59:23).

Nagmamahal,

David Schramm

Associate Professor ng Human Development and Family Studies, Utah State University

animals boarding Noah’s ark

“Itatatag ko ang aking tipan sa iyo. Ikaw ay sasakay sa daong, ikaw, ang iyong mga anak na lalaki, ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo.”

Genesis 6:18

Lumulan ang mga Hayop sa Arka ni Noe, ni Jacopo Bassano, Heritage Images / Getty Images