Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Ang Tipang Abraham
Ipinangako ng Diyos kay Abraham na “kasindami ng tatanggap ng Ebanghelyong ito ay tatawagin [na] … iyong mga binhi” (Abraham 2:10). Dahil sag ating mga tipan sa binyag at sa templo maaari nating matamo ang mga pagpapala ng tipang Abraham at ginagawa tayong bahagi ng mga pinagtipanang tao ng Diyos, basta’t tayo ay tapat (tingnan sa Ezekiel 11:20).
Sino sina Abraham at Sara?
Sina Abraham at Sara ay matatapat na tagasunod ng Diyos na nabuhay noong mga 2000 BC. Nagkaroon sila ng maraming pagsubok, pero dahil hinangad ni Abraham ang priesthood at ang “mga pagpapala ng mga ama” (Abraham 1:2), nakipagtipan ang Diyos sa kanya at nangako na ang tipan ay magpapatuloy sa pamamagitan ng mga inapo nina Abraham at Sara. Pinagpala sina Abraham at Sara dahil sa kanilang katapatan.
Ano ang kasama sa tipang Abraham?
Mga Ipinangakong Pagpapala
-
Isang lupang pangako na matitirhan (tingnan sa Genesis 13:14–15).
-
Mga inapo na kasindami “ng mga bituin sa langit” (Genesis 22:17).
-
Ang ebanghelyo ni Jesucristo at ang priesthood (tingnan sa Genesis 17:7; Abraham 2:9–11).
Mga Responsibilidad
-
Dadalhin ang kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo sa lahat ng anak ng Diyos upang “[pagpalain] ang lahat ng mag-anak sa mundo” (Abraham 2:11; tingnan din sa Genesis 22:18).
-
Sundin ang mga kautusan ng Diyos (tingnan sa Genesis 18:19).