Liahona
Nakatuon ang Simbahan sa Pagtulong sa Lahat ng Anak ng Diyos
Pebrero 2024


“Nakatuon ang Simbahan sa Pagtulong sa Lahat ng Anak ng Diyos,” Liahona, Peb. 2024.

Welcome sa Isyung Ito

Nakatuon ang Simbahan sa Pagtulong sa Lahat ng Anak ng Diyos

Mula sa mga bulubunduking isla ng Vanuatu hanggang sa mga madalisdis na kaburulan ng Belgium, matatagpuan ang 17 milyong mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa mahigit 31,000 mga ward at branch sa buong mundo.

Ang pagsuporta sa isang pandaigdigang simbahan ay isang napakalaking pagsisikap na kinapapalooban ng pangangasiwa sa ikapu at mga handog-ayuno, pagtatayo at pagmentena ng mga meetinghouse at templo, at paggawa at pamamahagi ng resources ng ebanghelyo tulad ng mga banal na kasulatan at himnaryo.

Ito ang ilan sa maraming responsibilidad ng Presiding Bishopric, na kumikilos sa ilalim ng pamamahala ng Unang Panguluhan upang pangasiwaan ang mga temporal na gawain, o mga pisikal na aspeto, ng Simbahan.

Wala akong gaanong alam tungkol sa Presiding Bishopric bago ako sumulat ng isang serye para sa Church News [Mga Balita sa Simbahan] tungkol sa mga temporal na gawain ng Simbahan. Hindi ko lamang nalaman ang tungkulin at layunin ng Presiding Bishopric sa Simbahan, kundi natuklasan ko rin kung paano tayo matutulungan ng kanilang gawain sa sarili nating buhay at mga katungkulan (tingnan sa pahina 12).

Ang isang alituntuning natutuhan ko ay na nakatuon ang Simbahan sa mga tao—mula sa Vanuatu hanggang sa Belgium at saanman sa pagitan ng mga ito. Nakatuon ito sa pagtulong sa lahat ng mga anak ng Diyos na piliing bumalik sa piling Niya at tanggapin ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas. Tulad ng itinuro ni Elder D. Todd Christofferson sa isyung ito, “Ang nagtatagal na kagalakan ay dumarating sa pamamagitan ng paghawak nang mahigpit sa ebanghelyo ni Jesucristo at pagtulong sa iba na gayon din ang gawin” (pahina 4).

Sana’y magkatotoo ito para sa bawat isa sa atin.

Tapat na sumasainyo,

Sydney Walker

Church News

Larawan
mga taong namimitas ng bunga mula sa puno

“Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad, patuloy na humahawak nang mahigpit sa gabay na bakal, hanggang sa makarating sila at napatiluhod at makakain ng bunga ng punungkahoy.”

The Love of God [Ang Pag-ibig ng Diyos], ni Sabrina Squires

Print