“Madrid, Spain,” Liahona, Peb. 2024.
Narito ang Simbahan
Madrid, Spain
Noong 1967, ipinagkaloob ng parlyamento ng Spain ang kalayaang panrelihiyon sa bansa, at dumating ang mga unang missionary ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong 1969. Ngayon, ang Simbahan sa Spain ay may:
-
61,500 mga miyembro (humigit-kumulang)
-
15 mga stake, 137 ward at branch, 2 mission
-
1 templo sa Madrid, 1 ibinalita sa Barcelona
Ang Kapayapaan ng Ebanghelyo
Sa Madrid tinatanglawan ng liwanag ng ebanghelyo ang pamilya González sa oras ng pangkalahatang kumperensya at sa buong taon. Sabi ni Alisael González, “Ang ebanghelyo ay kapayapaan, ito ay buhay, at pinananatili kami nitong nagkakaisa.”
Iba pa tungkol sa Simbahan sa Spain
-
Tuwang-tuwa ang isang babae sa pag-uugnay sa mga henerasyon ng kanyang pamilya mula sa Bountiful, Utah, USA, hanggang sa isang munting nayon sa Spain.
-
Pinaglingkuran ng dalawang missionary sa Spain ang isang pamilyang nangangailangan at biniyayaan sila ng mas matinding pagbuhos ng pagmamahal para sa mga pinaglilingkuran nila.
-
Sumusulong ang gawain ng Panginoon sa buong mundo: bininyagan ng isang missionary sa France ang isang lalaking naging mission president sa Spain.
-
Nagbago ang buhay ng isang lalaki mula sa Spain nang magpakumbaba siya at magtanong sa Diyos kung totoo ang mensahe ng mga missionary.
-
Naghanap ng paraan ang mga malilikhaing missionary na naglilingkod sa Spain upang madala ang iba kay Cristo—kahit ang isang maysakit.
-
Ano ang pakiramdam ng maglingkod sa isang full-time proselyting mission? Tingnan itong isang araw sa buhay ng mga missionary na naglilingkod sa Spain.