“Kapahingahan at mga Himala,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko ng Pagkabuhay (2024)
Miyerkules, Marso 27
Kapahingahan at mga Himala
“Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, ay mabubuhay” (Juan 11:25).
Sa huling linggo ng Kanyang ministeryo sa lupa, gumugol ng panahon ang Tagapagligtas sa bayan ng Betania. Hindi pa nagtatagal, binisita ni Jesus ang Betania upang ibangon ang Kanyang kaibigang si Lazaro mula sa mga patay. Matapos makita ang himalang ito, marami sa taong bayan ang naniwala na si Jesus ang Anak ng Diyos.
Noong 2022, iminungkahi ni Pangulong Russell M. Nelson na maghangad at umasa tayo sa mga himala upang tulungan tayong mapanatili ang positibong espirituwal na momentum:
Pagpapalain kayo ng Panginoon ng mga himala kung maniniwala kayo sa Kanya, “nang walang pag-aalinlangan” [Mormon 9:21]. Gawin ang espirituwal na gawain sa paghahanap ng mga himala. Hilingin sa Diyos sa panalangin na tulungan kayong magpakita ng ganoong uri ng pananampalataya. Ipinapangako ko na mararanasan ninyo na si Jesucristo ay “nagbibigay ng lakas sa mahina; at sa kanya na walang kapangyarihan ay dinadagdagan niya ng kalakasan” [Isaias 40:29]. May ilang bagay na magpapabilis sa inyong espirituwal na momentum nang higit sa pagkatanto na tinutulungan kayo ng Panginoon na ilipat ang bundok ng inyong buhay. (“Ang Kapangyarihan ng Espirituwal na Momentum,” Liahona, Mayo 2022, 100)
Basahin at Pagnilayan
Anong mga himala ang ginawang posible ni Jesucristo sa inyong buhay?
Umawit
“Ako’y Naniniwala kay Cristo,” Mga Himno, blg. 76