Mga Inisyatibo sa Pasko ng Pagkabuhay
Paglilitis, Pagpapako sa Krus, at Paglilibing


“Paglilitis, Pagpapako sa Krus, at Paglilibing,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko ng Pagkabuhay (2024)

Biyernes, Marso 29

Paglilitis, Pagpapako sa Krus, at Paglilibing

“Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga tao sa kanilang mga kasalanan, patatawarin din naman kayo ng inyong Ama na nasa langit” (Mateo 6:14).

Si Cristo sa krus

Pagkatapos ng sunud-sunod na hindi patas na paglilitis, nahatulan ng kamatayan si Jesucristo sa pamamagitan ng pagpapako sa krus. Kinutya at pinahirapan Siya ng mga kawal na Romano at ipinako Siya sa krus. Ngunit sa halip na sumpain sila, nagsumamo si Jesucristo sa Kanyang Ama na “patawarin … sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34). Kahit sa Kanyang pinakamadilim na sandali, nagsalita si Jesus ng tungkol sa pagmamahal at pagtubos. Sa Kanyang huling hininga, nangusap si Jesus sa Kanyang Ama. “Natupad na,” ang sabi Niya (Juan 19:30). Isang hindi inaasahang patotoo ang nasabi ng isang Romanong senturion at ng mga kasama niya: “Tunay na ito ang Anak ng Diyos” (Mateo 27:54). Ang mapagtanto ito ay kahanga-hanga noon at ngayon.

Noong 2022, iminungkahi ni Pangulong Russell M. Nelson na wakasan natin ang tunggalian sa ating personal na buhay at magpatawad at humingi ng tawad upang matulungan tayong mapanatili ang positibong espirituwal na momentum:

Inuulit ko ang panawagan na wakasan ang mga tunggalian sa inyong buhay. Magpakita ng pagpapakumbaba, lakas ng loob, at kalakasan na kailangan para magpatawad at humingi ng kapatawaran. …

… Inaanyayahan ko kayong hangaring wakasan ang personal na tunggalian na nagpapabigat sa inyo. Mayroon bang mas mainam na pagpapakita ng pasasalamat para sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo? Kung sa ngayon ay parang imposible ang pagpapatawad, humingi ng kapangyarihan na tulungan kayo sa pamamagitan ng nagbabayad-salang dugo ni Jesucristo. Sa paggawa nito, nangangako ako ng personal na kapayapaan at ng biglang paglakas ng espirituwal na momentum. (“Ang Kapangyarihan ng Espirituwal na Momentum,” Liahona, Mayo 2022, 100)

Basahin at Pagnilayan

Paano kayo mas magiging mapagpatawad sa inyong sarili at sa ibang tao sa inyong buhay?

4:25

3:19

4:49

“Pagpapatawad sa Kapwa: Isang Mensahe para sa Pasko ng Pagkabuhay mula kay Pangulong Russell M. Nelson”

5:2

Umawit

Ako ay Namangha,” Mga Himno, blg. 115