“Pagtuturo sa Jerusalem,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko ng Pagkabuhay (2023)
Martes, Marso 26
Pagtuturo sa Jerusalem
“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo” (Mateo 22:37).
Sa Jerusalem, napaligiran si Jesus ng mga tagasuporta at mga kritiko. Bilang isang Dalubhasang Guro, hindi Siya kailanman nagsayang ng oportunidad na ibahagi ang Kanyang karunungan. Sa huling linggo ng Kanyang buhay, ibinahagi Niya ang ilan sa Kanyang pinakawagas na turo. Ngunit ang Kanyang mga salita ay hindi lamang para sa mga taong naroon nang panahong iyon. Ang Kanyang mga turo sa buong panahon ng ministeryo Niya ay maaari ding pagpalain ang ating buhay.
Sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2023, itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks:
Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay humahamon sa atin na magkaroon ng kahihinatnan. … Mula sa turong iyan, masasabi natin na ang Huling Paghuhukom ay hindi lamang pagsusuri ng lahat-lahat ng mabubuti at masasamang gawa—na ginawa natin. Ito ay batay sa huling epekto ng mga ginawa at inisip natin—kung ano ang naging tayo. Nagiging karapat-dapat tayo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng proseso ng pagbabalik-loob. Tulad ng pagkagamit dito, ang salitang ito na maraming kahulugan ay tumutukoy sa malaking pagbabago ng pag-uugali. Hindi sapat para sa sinuman na basta gumawa lang. Ang mga kautusan, ordenansa, at tipan ng ebanghelyo ay hindi parang listahan ng mga depositong kailangang ilagak sa bangko ng langit. Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay isang plano na nagpapakita kung paano tayo magiging tulad ng ninanais ng ating Ama sa Langit. (“Mga Kaharian ng Kaluwalhatian,” Liahona, Nob. 2023, 28)
Basahin at Pagnilayan
Paano ninyo ipamumuhay sa sarili ninyo ang mga turo ni Jesus?
Umawit
“Turuang Lumakad sa Liwanag,” Mga Himno, blg. 192