“Mga Propesiya tungkol sa Pagsilang ni Jesucristo,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko ng Pagkabuhay (2024)
Linggo ng Palaspas, Marso 24
Mga Propesiya tungkol sa Pagsilang ni Jesucristo
“Dinggin, ang pagkabuhay na mag-uli ni Cristo ang tutubos sa sangkatauhan, oo, maging sa buong sangkatauhan, at magbabalik sa kanila sa harapan ng Panginoon” (Helaman 14:17).
Mga 6 BC, marami sa mga taong nakatira sa Zarahemla noong sinaunang Amerika ang nawalan ng pananampalataya kay Jesucristo. Kaya isinugo ng Diyos si Samuel, ang propeta, para magpatotoo tungkol sa pagsilang, kamatayan, at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas at inanyayahan ang mga tao na magsisi at maniwala kay Jesucristo. Ibinahagi ni Samuel ang mga tanda ng pagsilang at kamatayan ni Jesus nang sa gayon “malaman [ng mga tao] … ang kanyang pagparito” at “maniwala sa kanyang pangalan” (Helaman 14:12).
Nabubuhay tayo ngayon sa panahong ibinabadya ng mga makabagong propeta ang Ikalawang Pagparito ng nabuhay na mag-uling Panginoon. Sinabi ni Pangulong Russell M. Nelson:
“Mahal kong mga kapatid, napakaraming magagandang bagay na mangyayari. Sa mga darating na araw, masasaksihan natin ang mga pinakadakilang pagpapakita ng kapangyarihan ng Tagapagligtas na hindi pa nasasaksihan ng mundo kailanman. Mula ngayon hanggang sa oras ng Kanyang pagbalik “na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” [Joseph Smith—Mateo 1:36], magkakaloob Siya ng napakaraming pribilehiyo, pagpapala, at himala sa matatapat. (“Daigin ang Mundo at Makasumpong ng Kapahingahan,” Liahona, Nob. 2022, 95)
Basahin at Pagnilayan
Ano ang mga naging karanasan ninyo na nagpatibay ng inyong paniniwala sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?
Itala ang Inyong mga Impresyon