“Paglilingkod sa mga Bata,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko ng Pagkabuhay (2024)
Sabado, Marso 30
Paglilingkod sa mga Bata
“Masdan ang inyong mga musmos” (3 Nephi 17:23).
Matapos magpagaling ng maysakit, inanyayahan ni Jesus ang mga tao na dalhin ang kanilang maliliit na anak sa Kanya. Pagkatapos, nanalangin Siya sa paraang hindi kayang bigkasin o isulat ng mga tao ang Kanyang mga salita, at ang kanilang kaluluwa ay napuspos ng kagalakan. “Kinuha ang kanilang maliliit na anak, isa-isa, at binasbasan sila” ng Tagapagligtas (3 Nephi 17:21). Matapos basbasan ang mga bata, umiyak ang Tagapagligtas at sinabing, “Masdan ang inyong mga musmos.” Bumaba ang mga anghel mula sa langit at naglingkod sa mga bata habang sila ay napalilibutan ng apoy.
Patungkol sa paanyaya ng Tagapagligtas na “masdan ang inyong mga musmos,” itinuro ni Pangulong M. Russell Ballard:
Pansinin na hindi Niya sinabing “sulyapan sila” o “tingnan lang sila” o “tumingin paminsan-minsa sa kanilang direksyon.” Ang sabi Niya’y masdan sila. Para sa akin nangangahulugan iyan na dapat natin silang bantayan at mahalin; dapat natin silang tingnan at pahalagahan kung sino sila talaga: mga espiritung anak ng ating Ama sa Langit, na may mga banal na katangian (“Great Shall Be the Peace of Thy Children,” Ensign, Abr. 1994).
Basahin at Pagnilayan
Paano ninyo mas “pagmamasdan” at “paglilingkuran” ang mga musmos sa inyong sariling buhay?
Panoorin
“Naglingkod si Jesucristo at ang mga Anghel [sa mga Bata]”
Umawit
“Aking Nadarama ang Pag-ibig ni Cristo,” Aklat ng mga Awit Pambata, 42