Mga Inisyatibo sa Pasko ng Pagkabuhay
Pagsisimula ng Sakramento


“Pagsisimula ng Sakramento,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko ng Pagkabuhay (2024)

Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, Marso 31

Pagsisimula ng Sakramento

“At kung lagi ninyo akong aalalahanin, ang aking Espiritu ay mapapasainyo” (3 Nephi 18:7).

Scene from BOM video

Pinasimulan ni Jesus sa mga taong nagtipon upang pakinggan Siya ang sakramento. Binasbasan Niya ang tinapay at alak at nag-atas na ibigay ito ng Kanyang mga disipulo sa maraming tao. Pagkatapos, itinuro Niya, “Kung lagi ninyong gagawin ang mga bagay na ito, pinagpala kayo, sapagkat kayo ay nakatayo sa aking bato” (3 Nephi 18:12). Bagama’t sandali lamang nakasama ni Jesus ang mga Nephita, nag-ukol Siya ng oras na muling pangasiwaan ang sakramento sa mga tao kinabukasan, na nagpapakita ng kahalagahan ng ordenansang ito.

Itinuro ni Elder Gerrit W. Gong ang kahalagahan ng pag-alaala sa Tagapagligtas sa pamamagitan ng ordenansa ng sakramento:

Bawat linggo, sa pakikibahagi ng sakramento, nakikipagtipan tayo na lagi Siyang aalalahanin. Mula sa halos 400 talata sa banal na kasulatan na may salitang alalahanin, narito ang anim na paraan na lagi natin Siyang maaalala.

Una, lagi natin Siyang maaalala kapag nagtiwala tayo sa Kanyang mga tipan, pangako, at pagtiyak. …

Pangalawa, lagi natin Siyang maaalala kapag pinasasalamatan at kinikilala natin ang Kanyang impluwensya sa ating buhay. …

Pangatlo, lagi natin Siyang maaalala kapag nagtiwala tayo sa pagtiyak ng Panginoon na, “Siya na nagsisi ng kanyang mga kasalanan, ay siya ring patatawarin, at ako, ang Panginoon, ay hindi na naaalaala ang mga ito” . …

Pang-apat, inaanyayahan Niya tayong alalahanin na lagi Niya tayong malugod na tatanggapin. …

Panglima, lagi natin Siyang maaalala sa araw ng Sabbath sa pamamagitan ng sakramento. …

Ang huli at pang-anim, inaanyayahan tayo ng Tagapagligtas na lagi Siyang alalahanin tulad ng pag-alaala Niya sa atin. (“Lagi Siyang Aalalahanin,” Liahona, Mayo 2016, 108–10)

Basahin at Pagnilayan

Alin sa mga mungkahi ni Elder Gong ang una ninyong susubukan, na sa inyong palagay ay makatutulong nang lubos sa inyo?

Itala ang Inyong mga Impresyon

10:49

Umawit

Habang Aming Tinatanggap,” Mga Himno, blg. 99