Mga Inisyatibo sa Pasko ng Pagkabuhay
Ang Pagpapakita ni Jesucristo sa Sinaunang Amerika


“Ang Pagpapakita ni Jesucristo sa Sinaunang Amerika,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko ng Pagkabuhay (2024)

Lunes, Marso 25

Ang Pagpapakita ni Jesucristo sa Sinaunang Amerika

“Dinggin, ako si Jesucristo, na siyang pinatotohanan ng mga propeta na paparito sa daigdig” (3 Nephi 11:10).

Jesus Christ descends from Heaven in a beam of light in front of a temple in Land Bountiful.

Ipinakilala ng Diyos Ama ang Kanyang Pinakamamahal na Anak na si Jesucristo sa mga Nephita at inanyayahan silang pakinggan Siya. Pagkatapos, bumaba ang nabuhay na mag-uling Tagapagligtas [mula sa langit] at nagpahayag na natupad na Niya ang Pagbabayad-sala at “binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay” (3 Nephi 11:11). Inanyayahan ng Tagapagligtas ang mga Nephita na damhin ang mga bakas ng pako sa Kanyang mga kamay at sa Kanyang mga paa at malaman para sa sarili nila ang Kanyang maluwalhating Pagkabuhay na Mag-uli. Matapos nilang gawin ito nang isa-isa, sila ay sumigaw ng, “Hosana!” at sinamba Siya.

Sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2023, inanyayahan tayo ni Elder Gary E. Stevenson na pagnilayan kung paano mapagaganda ng tala tungkol sa ministeryo ng nabuhay na mag-uling Tagapagligtas sa Aklat ni Mormon ang ating pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay:

Isipin ninyo: nahawakan talaga ng mga Nephita sa templo ang mga kamay ng nagbangong Panginoon! Inaasam naming gawing bahagi rin ng aming tradisyon sa Pasko ng Pagkabuhay ang mga kabanatang ito sa 3 Nephi na tulad ng pagiging bahagi ng Lucas 2 ng aming tradisyon sa Pasko. Ang totoo, ibinabahagi ng Aklat ni Mormon ang pinakadakilang kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay. Huwag hayaang mabalewala ang pinakadakilang kuwentong ito ng Pasko ng Pagkabuhay.

Inaanyayahan ko kayong tingnan ang Aklat ni Mormon sa isang bagong paraan at isaalang-alang ang malalim na patotoo nito sa realidad ng buhay na Cristo pati na ang lawak at lalim ng doktrina ni Cristo. (“Ang Pinakadakilang Kuwento sa Pasko ng Pagkabuhay,” Liahona, Mayo 2023, 8)

Basahin at Pagnilayan

Paano ninyo masusunod ang paanyaya ni Elder Stevenson na “[ituro at ipagdiwang] ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, ang kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay, nang may [gayon ding balanse, kabuuan, at mayamang tradisyon sa relihiyon ng pagsilang ni Jesucristo, na kuwento] ng Pasko?” (“Ang Pinakadakilang Kuwento sa Pasko ng Pagkabuhay,” Liahona, Mayo 2023, 6).

5:37