“Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko ng Pagkabuhay (2024)
Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, Marso 31
Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo
“Sapagkat ako’y nabubuhay ay mabubuhay rin kayo” (Juan 14:19).
Maagang-maaga pa, si Maria Magdalena, na kaibigan at tagasunod ni Jesucristo, ay nagpunta sa libingan para asikasuhin ang katawan Niya. Laking gulat niya nang makita niyang walang laman ang libingan. Hindi nagtagal, habang umiiyak siya sa may labas ng libingan, isang lalaki ang nagsalita sa kanya—ang hardinero, akala niya. Ngunit tinawag Niya ang kanyang pangalan, “Maria.” At nakita niya. Muling nabuhay si Jesucristo. Napakagandang kaalaman na mahirap sarilinin, at tumakbo siya para sabihin sa iba pa.
Isa itong patotoo na napakaganda pa rin hanggang ngayon. Maaari ninyong malaman, tulad ni Maria Magdalena, na si Jesucristo ay buhay. Dahil sa Kanya, mabubuhay ring muli ang lahat. Kung susundin natin si Cristo, matatagpuan natin ang tunay na kaligayahan sa lupa at aasa sa walang hanggang kagalakan sa buhay na darating.
Patungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo, itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks:
Ang Pagkabuhay na Mag-uli ay nagbibigay sa atin ng pananaw at lakas na tiisin ang mga hamon sa buhay na kinakaharap ng bawat isa sa atin at ng ating mga mahal sa buhay. Binibigyan tayo nito ng bagong paraan ng pagtingin sa pisikal, mental, o emosyonal na mga kakulangan na nasa atin na nang isilang tayo o nakuha natin sa buhay na ito. Binibigyan tayo nito ng lakas na tiisin ang mga kalungkutan, kabiguan, at kapighatian. Dahil bawat isa sa atin ay tiyak na mabubuhay na mag-uli, alam natin na ang mga kakulangan at oposisyong ito sa buhay ay pansamantala lamang. (“Ano ang Nagawa ng Ating Tagapagligtas para sa Atin?,” Liahona, Mayo 2021, 75)
Basahin at Pagnilayan
Ano ang nadarama ninyo kapag naiisip ninyo ang tungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo?
Umawit
“Si Cristo Ngayo’y Nabuhay,” Mga Himno, blg. 120