Mga Inisyatibo sa Pasko ng Pagkabuhay
Paglilinis ng Templo


“Paglilinis ng Templo,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko ng Pagkabuhay (2024)

Lunes, Marso 25

Paglilinis ng Templo

“Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, ngunit ginagawa ninyo itong yungib ng mga magnanakaw” (Mateo 21:13).

Nililinis ni Cristo ang Templo, ni Carl Heinrich Bloch

Noong nasa Jerusalem si Jesus, binisita Niya ang templo. Doon, sa loob ng banal na bahay ng Kanyang Ama, nakita ni Jesus ang maraming mangangalakal na nagnenegosyo. Nanlumo Siya nang makita ang isang sagradong lugar ng pagsamba na nilalapastangan at ginawang “yungib ng mga magnanakaw” (Mateo 21:13). Nagsasalita nang may awtoridad na hindi maitatatwa, inutusan Niya ang mga mangangalakal at tagapagpalit ng pera na magsialis.

Inaanyayahan tayo ni Jesucristo na sumamba at matuto tungkol sa Kanya sa mga makabagong templo. Sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2022, itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

Huwag nating kalimutan ang ginagawa ng Panginoon para sa atin ngayon. Pinadadali Niya ang pagpunta sa Kanyang mga templo. Pinabibilis Niya ang pagtatayo natin ng mga templo. Dinaragdagan Niya ang ating abilidad na tumulong sa pagtipon ng Israel. Ginagawa rin Niyang mas madali para sa bawat isa sa atin na maging dalisay sa espirituwal. Ipinapangako ko na ang mas madalas na pagpunta sa templo ay magpapala sa inyong buhay na hindi matatamo sa ibang paraan. (“Magtuon sa Templo,” Liahona, Nob. 2022, 121)

Basahin at Pagnilayan

Paano ninyo lilinisin ang inyong puso’t isipan upang ihanda ang inyong sariling sumamba sa tahanan, sa simbahan, at sa templo?

1:54

Umawit

Kabanalang Lalo, Aking Kahilingan,” Mga Himno, blg. 80