Mga Inisyatibo sa Pasko ng Pagkabuhay
Isang Kawan at Isang Pastol


“Isang Kawan at Isang Pastol,” Plano sa Pag-aaral sa Pasko ng Pagkabuhay (2024)

Huwebes, Marso 28

Isang Kawan at Isang Pastol

“Mayroon akong ibang mga tupa na hindi sa kawang ito; sila ay dapat ko ring akayin at kanilang diringgin ang aking tinig; at magkakaroon ng isang kawan, at isang pastol (3 Nephi 15:21).

Jesus Christ teaches a small group of people in Jerusalem. An angel shows this experience to Nephi after he inquires about Lehi's vision.

Sinabi ni Jesucristo sa mga Nephita na sila ang “mga tupa” na tinukoy Niya noong magturo Siya sa Jerusalem, “Mayroon akong ibang mga tupa na hindi sa kawang ito; sila ay dapat ko ring akayin” (3 Nephi 15:21). Buong pagmamahal na ipinahayag ni Jesus na “magkakaroon ng isang kawan, at isang pastol” at nagpropesiya tungkol sa pagtitipon ng Israel sa mga huling araw.

Isang paraan para makatulong tayo sa pagtitipon ng Israel ay ibahagi ang mensahe ng Aklat ni Mormon, tulad ng paanyaya sa atin ni Elder Ronald A. Rasband:

Mahal kong mga kaibigan, bilang isang Apostol ng Panginoon, inaanyayahan ko kayong tularan ang ating mahal na propetang si Pangulong Nelson, at punuin ng Aklat ni Mormon ang mundo. Napakalaki ng pangangailangan dito; kailangan na nating kumilos ngayon. Nangangako ako na makakalahok kayo sa “pinakadakilang gawain sa mundo,” ang pagtitipon ng Israel, dahil nabigyang-inspirasyon kayong tumulong sa mga taong “napagkakaitan … ng katotohanan sapagkat hindi nila alam kung saan ito matatagpuan.” Kailangan nila ang inyong patotoo at pagsaksi kung paano nabago ng aklat na ito ang inyong buhay at mas nailapit kayo sa Diyos, sa Kanyang kapayapaan, at sa Kanyang “mga balita ng dakilang kagalakan.”

Pinatototohanan ko na ayon sa banal na plano ay inihanda ang Aklat ni Mormon sa sinaunang Amerika para lumabas at ipahayag ang salita ng Diyos, magdala ng mga kaluluwa sa Panginoong Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo “sa araw na ito.” (“Sa Araw na Ito,” Liahona, Nob. 2022, 27)

Basahin at Pagnilayan

Kanino ninyo ibabahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa panahong ito ng Pasko ng Pagkabuhay? Maaaring sa pamamagitan ito ng simpleng pagpapakita ng kabaitan, pagbabahagi ng isang nakasisiglang mensahe, o pag-anyaya sa isang tao na samahan kayo sa pagsamba ngayong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.

Panoorin

“Nagpapatotoo si Jesucristo [tungkol] sa Isang Kawan at Isang Pastol”

5:56

Umawit

Nasa Puso ng Pastol,” Mga Himno, blg. 134